Radyo Kaisahan 107.7 FM

Latest News and Updates

Get Updates
π…πˆπ‘π’π“ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 πŒπ„π„π“πˆππ† 𝐍𝐆 ππ‘ππ€ππˆ, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ πŽππ‹πˆππ„ Latest
Nutrition

π…πˆπ‘π’π“ 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑 πŒπ„π„π“πˆππ† 𝐍𝐆 ππ‘ππ€ππˆ, πˆπ’πˆππ€π†π€π–π€ πŽππ‹πˆππ„

Isinagawa sa pamamagitan ng online ang 1st Quarter Meeting ng Nutriskwela Radio Broadcasters Association of the Philippines, Inc. (NRBAPI), kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin para sa pagpapalakas ng mga community radio station sa bansa. Kabilang sa mga napag-usapan ang update sa SEC registration ng samahan, gayundin ang nalalapit na paglulunsad ng Nutriskwela Academy sa darating na Mayo 2026. Layunin ng programang ito na sanayin ang mga empleyado ng bawat istasyon sa larangan ng broadcasting, pagsusulat ng balita, makabagong pamamaraan sa online broadcasting, pati na rin sa pagpaplano at koordinasyon. Tinalakay rin ang regular na programang β€œPalay Bida sa Nutriskwela” katuwang ang PHILRICE, na pangungunahan ni Station Manager Jamju A. Rivera ng Radyo Komunidad. Samantala, pangungunahan naman ni Station Manager Rodel Isler ng Radyo Kaabyanan ang monitoring at evaluation ng mga nutrition campaigns ng bawat Nutriskwela Community Radio Station. Pinag-usapan din ang pagpapalakas ng ugnayan ng NRBAPI sa iba’t ibang istasyon sa Luzon at sa buong Pilipinas sa pangunguna ni Station Manager Irma V. Cadiz ng Radyo Kaisahan, sa tulong ng isang monitoring tool. Kabilang din sa agenda ang programang Youth for Nutrition Advocacy na katuwang ang NNC at Nutriskwela Community Radio Network. Dinaluhan ang naturang pagpupulong ng iba’t ibang community radio stations kabilang ang Radyo Kailian, Radyo Kausbawan, Radyo Kaunlaran, Radyo Kaluguran, Radyo Kaisahan, Radyo Komunidad, Radyo Kaabyanan, at Radyo Kaedup. Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Chavez ang mungkahing makipag-ugnayan sa sa mga posibleng makatuwang na ahensya upang masuportahan ang mga Nutriskwela Community Radio Station sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan sa radyo na magagamit sa pagpapaabot ng impormasyon sa publiko. Aniya, makikinabang din ang mga katuwang na ahensya, kabilang ang mga pribadong organisasyon, sa pagpapalaganap ng kanilang impormasyon sa publiko nang hindi nalalabag ang polisiya ng mga istasyon. Sa huli, binigyang-diin ni Chavez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang direksyon sa nutrition information campaign na ibinobroadcast ng bawat community radio station upang mas mapalakas ang abot at epekto nito sa mamamayan. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad
Read Full Story
DENTAL NEWS UPDATES
Health

DENTAL NEWS UPDATES

Mula umaga hanggang hapon, patuloy ang isinasagawang serbisyo ng Dental Health Section ng Office on Health Services para sa mga kabataan ng Sariaya, sa layuning matiyak na sila ay may sapat na kaalaman at akses sa mga kagamitang makatutulong sa pangangalaga ng kanilang mga ngipin. Matagumpay na isinagawa noong March 17, 2026 sa Barangay Bignay 1 at Tumbaga 1 ang pamamahagi ng toothbrush na may kasamang toothpaste, oral health education, at ikalawang paglalagay ng fluoride ngayong taon para sa mga day care students. Pagbati sa masisipag na dental professionals na sina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist; Dr. Simeon Alcantara, Dentist II; at Dr. Alexis Espinosa, DOH Dentist, kasama ang mga kawani ng Office on Health Services sa pangunguna ni Dr. Omar N. Ilagan, Municipal Health Officer I. Patuloy ang mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arlene M. Genove at ang buong konseho, sa pagtataguyod ng maayos na kalusugan ng ngipin at mas maliwanag na ngiti para sa bawat Sariayahin. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad
Read Full Story
DENTAL SECTION NEWS UPDATE
Health

DENTAL SECTION NEWS UPDATE

Patuloy ang serbisyong dental para sa kabataang Sariayahin! Matagumpay na naisagawa noong March 16, 2026 sa Barangay Manggalang Tulo-Tulo at Bignay 2 ang pamamahagi ng dental kits, oral health education, at fluoride application para sa mga day care students. #RK107FM #CNN

April 13, 2026 Kenneth Valdez
Read Full Story
π’π€π‘πˆπ€π˜π€ 𝐀𝐓 πˆπ‹π€ππ† ππ€π˜π€π 𝐒𝐀 ππ”π„π™πŽπ, πˆππˆππˆπƒπ€ 𝐀𝐍𝐆 '𝐁𝐄𝐒𝐓 ππ‘π€π‚π“πˆπ‚π„π’' 𝐒𝐀 ππ”π“π‘πˆπ’π˜πŽπ
Nutrition

π’π€π‘πˆπ€π˜π€ 𝐀𝐓 πˆπ‹π€ππ† ππ€π˜π€π 𝐒𝐀 ππ”π„π™πŽπ, πˆππˆππˆπƒπ€ 𝐀𝐍𝐆 '𝐁𝐄𝐒𝐓 ππ‘π€π‚π“πˆπ‚π„π’' 𝐒𝐀 ππ”π“π‘πˆπ’π˜πŽπ

Sentro ng talakayan ang masiglang kalusugan at tamang pamamahala sa nutrisyon sa isinasagawang Nutrition Program Management Training para sa mga Mayor at Nutrition Action Officers sa lalawigan ng Quezon. Sa ilalim ng pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) Calabarzon, layon ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga Local Chief Executives (LCEs) sa pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon sa kani-kanilang nasasakupan. Binigyang-diin ni Ms. Ma. Lourdes Bulante-Orongan, Regional Nutrition Program Coordinator ng NNC Calabarzon, ang kahalagahan ng pagpopondo at investment sa nutrisyon base sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028. Ayon sa kaniya, ang sapat na budget at tamang plano ang susi upang mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa rehiyon. Ibinida naman ng bayan ng Sariaya, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, ang kanilang mga tagumpay bilang recipient ng Green Banner Seal of Compliance Award ng National Nutrition Council CALABARZON. "Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng ating mamamayan, lalo na ng ating mga kabataan," ani Mayor Gayeta. Pinasalamatan din ng alkalde ang dedikasyon nina Mr. Reymundo Razon (MNAO) at Ms. Arlene Palabrica (MNPC) sa pagpapatakbo ng mga inisyatibong pang-nutrisyon sa bayan. Bukod sa Sariaya, nagbahagi rin ng kanilang karanasan at best practices ang mga bayan ng Candelaria, General Luna, Infanta at Real. Tinalakay rin sa training ang mga Legal Basis Navigate Nutrition Programs at Guidelines sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI) Pro sa pangunguna ni Ms. Ma. Theresa A. Rivas, Nutrition Officer III ng NNC. Nagtapos ang unang bahagi ng programa sa isang Pledge of Commitment kung saan nangako ang mga opisyal na itataguyod ang mas de-kalidad na serbisyong nutrisyon. Inaasahang magpapatuloy ang training bukas, March 19, kung saan hihimayin ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Magnanay Act, Local Nutrition Action Planning, Guidelines, at Program Updates of Quezon Provincial Nutrition Multisectoral Council. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad
Read Full Story
πŒπ†π€ 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐀 ππ€πŠπˆπ‹π€π‡πŽπŠ 𝐒𝐀 πƒπˆπ’π„ππ˜πŽ 𝐍𝐆 πŽππˆπ’πˆππ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π, πŠπˆππˆπ‹π€π‹π€
Developmental Information

πŒπ†π€ 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐀 ππ€πŠπˆπ‹π€π‡πŽπŠ 𝐒𝐀 πƒπˆπ’π„ππ˜πŽ 𝐍𝐆 πŽππˆπ’πˆππ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π, πŠπˆππˆπ‹π€π‹π€

Kinilala ng Municipal Gender and Development Office (MGAD) ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan na aktibong nakilahok sa pagdidisenyo ng kanilang mga opisina bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Isinagawa ang pagbibigay-pagkilala nitong Lunes, Marso 16, kasabay ng regular na flag raising ceremony sa Sariaya New Municipal Hall. Kabilang sa mga tanggapang ginawaran ng pagkilala at tumanggap ng tig-β‚±1,000 cash incentive ang Municipal Accounting Office, Bids and Awards Committee Office, Human Resource Management Office, Office of the Local Civil Registrar, at Municipal Nutrition Action Office. Ipinakita sa kanilang mga disenyo ang interpretasyon sa tema ng selebrasyon ngayong taon na β€œWE for Gender Equality and Inclusive Society”, na may sub-theme na β€œLead Like the Babaylans, Filipinas!”, na naglalayong ipakita ang papel at kakayahan ng kababaihan sa pamumuno at paghubog ng isang patas at inklusibong lipunan. Nagpaabot naman ng pasasalamat si MGAD Focal Person Randy Tronila sa lahat ng mga tanggapang nakiisa sa mga programang inihanda para sa pagdiriwang ng National Women’s Month. Dagdag pa niya, nakatakda ring isagawa sa Marso 25 ang isang sports fest para sa mga kababaihang empleyado ng lokal na pamahalaan bilang bahagi pa rin ng patuloy na selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad & Bea Lagaya
Read Full Story
ππ€πŠπˆπŠπˆππ€π†π“π”π‹π”ππ†π€π, ππˆππˆπ†π˜π€ππ†-πƒπˆπˆπ 𝐒𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ 𝐍𝐆 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π
Developmental Information

ππ€πŠπˆπŠπˆππ€π†π“π”π‹π”ππ†π€π, ππˆππˆπ†π˜π€ππ†-πƒπˆπˆπ 𝐒𝐀 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ 𝐍𝐆 π‹πŽπŠπ€π‹ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π‡π€π‹π€π€π

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan o cooperation sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan nitong Lunes, Marso 16, sa Sariaya New Municipal Hall. Pinangunahan ng Public Market and Slaughterhouse Office ang naturang programa kung saan ibinahagi bilang 'Values of the Week’ ang salitang cooperation o pakikipagtulungan. Ayon kay Public Market Supervisor III Gil L. Sales, mahalaga ang pakikipagtulungan sa loob ng isang organisasyon, lalo na sa pamahalaang lokal, upang maipakita ang sama-samang pagkilos ng bawat tanggapan sa maayos at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mamamayan. Binigyang-diin din ni Sales na hindi lamang iisang opisina o indibidwal ang may pananagutan sa pag-unlad ng komunidad. Aniya, nakasalalay ang tagumpay ng mga programa at proyekto sa maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat departamento at empleyado ng lokal na pamahalaan. Dagdag pa niya, nagsisimula ang tunay na pag-unlad ng komunidad sa pagkakaisa ng bawat isa. Samantala, inihayag naman ni Municipal Administrator Randy Tronila ang pansamantalang suspensyon ng ipinatutupad na 4-day work week ngayong linggo, alinsunod sa Memorandum No. 2026-27 na inilabas ni Mayor Marivic T. Gayeta, kaugnay ng pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa Marso 20. Hinikayat din niya ang mga empleyado ng pamahalaan na maglingkod nang may ngiti at may malasakit para sa bayan at sa Diyos. Inanunsyo rin ni Municipal Planning and Development Coordinator Ronnie Lindog na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Climate and Disaster Risk Assessment mula Marso 16 hanggang 18 bilang bahagi ng paghahanda at pagpapalakas ng mga programa sa disaster risk reduction. Samantala, ibinahagi naman ni Municipal Health Officer I Dr. Omar N. Ilagan na bilang bahagi ng paggunita sa World Tuberculosis Day, muling magsasagawa ang Rural Health Unit ng libreng chest X-ray mula Marso 24 hanggang 26. Tinatayang nasa 150 pasyente kada araw ang mabibigyan ng serbisyong ito mula sa tanggapan ng kalusugan. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad & Bea Lagaya
Read Full Story
𝐇𝐔𝐖𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 π†πˆππ€ππ† 2026, π“π€πŒππŽπŠ 𝐒𝐀 ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π 𝐒𝐀 π’π€π‘πˆπ€π˜π€
Developmental Information

𝐇𝐔𝐖𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 π†πˆππ€ππ† 2026, π“π€πŒππŽπŠ 𝐒𝐀 ππ€π†πƒπˆπ‘πˆπ–π€ππ† 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π 𝐒𝐀 π’π€π‘πˆπ€π˜π€

Naging makulay at makahulugan ang isinagawang General Assembly ng mga kababaihan noong Marso 13, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, kung saan muling naipakita ang lakas at boses ng kababaihan mula sa 43 barangay ng bayan ng Sariaya. Panauhing pandangal sa naturang pagtitipon sina Alona Partylist Representative Congresswoman Maria Cristina β€œInday Tina” Talavera-Lopez, Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove, Municipal Administrator at MGAD Focal Person Randy L. Tronila, Municipal Social Welfare and Development Officer Claire D. Obnial, Gilas Kababaihan President Rica Decena, at Konsehal Teodorico Dela PeΓ±a. Sa kanilang mga talumpati, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikilahok ng lahat sa pagsusulong ng gender equality alinsunod sa tema ng 2026 National Women’s Month Celebration na β€œWE for Gender Equality and Inclusive Society,” na may sub-theme na β€œLead Like the Babaylans, Filipinas!” Binibigyang-diin ng naturang tema ang sama-samang pagkilos ng kababaihan at ng buong komunidad upang maisulong ang pantay na oportunidad, karapatan, at ligtas na espasyo para sa lahat. Hango rin ito sa inspirasyon ng mga babaylan noong sinaunang panahon na kinikilala bilang mga pinunong babae na nagtataglay ng karunungan at malasakit sa komunidad. Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ang mas pinasiglang Search for Huwarang Ginang 2026, na muling isinagawa matapos ang huling patimpalak noong 2023 kung saan tinanghal na nagwagi si Melanie Abenes ng Barangay Poblacion 3. Ngayong taon, 21 kandidata mula sa iba’t ibang barangay ang nagtagisan ng ganda, talino, at kakayahan sa production number na may Hawaiian theme, long gown competition, at question-and-answer portion. Sa huli, itinanghal na Huwarang Ginang 2026 si Ginang Jill Cielo P. Rasay - Tambor ng Barangay Pili. Nakuha naman ni Ginang Reena May M. Dahildahil ng Barangay Concepcion Palasan ang titulong 1st Runner-Up, habang 2nd Runner-Up si Gng. Jhossa De Villa VeΓ±ales ng Barangay Sampaloc 2. Samantala, 3rd Runner-Up si Ginang Michelle V. Aguila ng Barangay Bignay 2 at 4th Runner-Up si Ginang Michelle B. Simondac ng Barangay CastaΓ±as. Nagsilbing mga hurado sa patimpalak sina Chairmaine Joy Dy, Binibining Quezon Tourism 2026; Mia Katherin Acesor, may-ari ng Alayna Zuri Aesthetic Lucena; Atty. Kate Alyssa D. Rances, Binibining Sariaya 2017; PPSK President Aicon Candace T. Lopez; Marlouie Manalo Mendoza, CEO ng Power Scents Perfume Collections; at Kristian Angelo Ariola, Ginoong Niyogyugan 2023. Naging mas masigla pa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng raffle draws para sa mga kababaihang dumalo mula sa iba’t ibang barangay kung saan namigay ng mga refrigerator, durabox, mga gamit sa bahay, at cash prices. Bukod dito, pinasaya rin ang mga delegado ng isang live band performance na handog ni Mayor Marivic T. Gayeta bilang maagang selebrasyon ng kaniyang nalalapit na kaarawan. Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ng Municipal Gender and Development Office sa pamumuno ng head organizer na si Zol UmbaΓ±a-Pong kasama ang kaniyang buong staff at katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Naging bahagi rin ng tagumpay ng programa ang Sariaya Fashion Designers Association, na lumikha ng mga kasuotang ginamit sa production number at long gown competition, at ang Sariaya Hair and Make-Up Artist Association na nagbigay ng make-up at styling sa mga kandidata. #RK1077FM #CNN

April 13, 2026 Gerald Palad & Bea Lagaya
Read Full Story