Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐€๐“ ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐„๐™๐Ž๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐€๐๐† '๐๐„๐’๐“ ๐๐‘๐€๐‚๐“๐ˆ๐‚๐„๐’' ๐’๐€ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐


๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐€๐“ ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐„๐™๐Ž๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐€๐๐† '๐๐„๐’๐“ ๐๐‘๐€๐‚๐“๐ˆ๐‚๐„๐’' ๐’๐€ ๐๐”๐“๐‘๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐

Sentro ng talakayan ang masiglang kalusugan at tamang pamamahala sa nutrisyon sa isinasagawang Nutrition Program Management Training para sa mga Mayor at Nutrition Action Officers sa lalawigan ng Quezon. Sa ilalim ng pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) Calabarzon, layon ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga Local Chief Executives (LCEs) sa pagpapatupad ng mga programang pang-nutrisyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin ni Ms. Ma. Lourdes Bulante-Orongan, Regional Nutrition Program Coordinator ng NNC Calabarzon, ang kahalagahan ng pagpopondo at investment sa nutrisyon base sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028.

Ayon sa kaniya, ang sapat na budget at tamang plano ang susi upang mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa rehiyon.

Ibinida naman ng bayan ng Sariaya, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, ang kanilang mga tagumpay bilang recipient ng Green Banner Seal of Compliance Award ng National Nutrition Council CALABARZON.

"Ang pagkilalang ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng ating mamamayan, lalo na ng ating mga kabataan," ani Mayor Gayeta.

Pinasalamatan din ng alkalde ang dedikasyon nina Mr. Reymundo Razon (MNAO) at Ms. Arlene Palabrica (MNPC) sa pagpapatakbo ng mga inisyatibong pang-nutrisyon sa bayan. Bukod sa Sariaya, nagbahagi rin ng kanilang karanasan at best practices ang mga bayan ng Candelaria, General Luna, Infanta at Real.

Tinalakay rin sa training ang mga Legal Basis Navigate Nutrition Programs at Guidelines sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI) Pro sa pangunguna ni Ms. Ma. Theresa A. Rivas, Nutrition Officer III ng NNC. Nagtapos ang unang bahagi ng programa sa isang Pledge of Commitment kung saan nangako ang mga opisyal na itataguyod ang mas de-kalidad na serbisyong nutrisyon.

Inaasahang magpapatuloy ang training bukas, March 19, kung saan hihimayin ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Magnanay Act, Local Nutrition Action Planning, Guidelines, at Program Updates of Quezon Provincial Nutrition Multisectoral Council.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.