Radyo Kaisahan 107.7 FM
← Back to News

PAGPAPAHALAGA SA NUTRISYON AT KALIKASAN, TINALAKAY SA PROGRAMANG GREEN MINDED


PAGPAPAHALAGA SA NUTRISYON AT KALIKASAN, TINALAKAY SA PROGRAMANG GREEN MINDED

Tinalakay ngayong araw (April 18) sa programang Green Minded kasama si Kuys Kenneth kasama ang mga kasapi ng Kabataan Para sa Kalikasan na sina Jhep (John Jheperson Casapao) at Khaleb (Khaleb Dimaculangan) mula sa Kabataan Para sa Kalikasan ang mga dahilan kung bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang tamang nutrisyon lalo na ngayong papalapit ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 sa buwan ng Hulyo na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” na dapat isinasabuhay at nagpapakita na magkaugnay ang kalusugan ng tao at ang kalagayan ng kapaligiran.

Ayon sa naging talakayan, ang pagkain na nagbibigay lakas sa atin ay nagmumula sa kalikasan kaya kapag nasisira ang kapaligiran dahil sa polusyon, climate change, at maling pagtatapon ng basura, naaapektuhan din ang suplay ng pagkain at kalusugan ng tao.

Ipinaliwanag din na kapag konti ang ani dahil sa init, bagyo o tagtuyot, tumataas ang presyo ng pagkain. Dahil dito, mas nahihirapan ang mga pamilyang kapos sa pera na makabili ng masustansyang pagkain, na maaaring humantong sa malnutrisyon lalo na sa mga bata.

Hinimok din sa programa ang mga mamamayan na magsimula sa simpleng paraan katulad ng hindi pagsasayang ng pagkain, tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura, pagtangkilik sa lokal na produkto, pagtatanim ng gulay kahit sa maliit na espasyo at marami pang iba.

Sa huli, ipinaalala ng programa na kapag inalagaan ang kalikasan, masisiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa bawat pamilya. At kapag maayos ang nutrisyon, mas nagiging malusog at handa ang bawat isa sa pang-araw-araw na buhay. Binigyang-diin na hindi kailangang malaki ang gawin para makatulong. Kahit simpleng disiplina sa araw-araw ay may malaking epekto sa kalikasan at kalusugan.

Samantala, bukod sa plataporma ng Radyo Kaisahan, napapakinggan na din ang programang Green Minded sa Facebook Page ng Kabataan Para sa Kalikasan.

#RK1077FM #CNN

💬

0 Comments

0 / 2000
🗨️

Be the first to share your thoughts on this story.