Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐’๐“๐„๐‘ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐’๐’ ๐“๐„๐„๐ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ 2026, ๐Š๐ˆ๐๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€


๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐’๐“๐„๐‘ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐ˆ๐’๐’ ๐“๐„๐„๐ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ 2026, ๐Š๐ˆ๐๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€

Matapos ang masusing kompetisyon, opisyal nang kinoronahan ang mga bagong mukha na magrerepresenta sa kabataang Sariayahin.

Wagi bilang Mister Teen Sariaya 2026 si Andrei James Vereaรฑa mula sa Barangay Balubal, habang nasungkit naman ni Tricia Lustado ng Barangay Pili ang titulong Miss Teen Sariaya 2026 sa ginanap na Grand Coronation Night nitong ika-12 ng Mayo.

Namayagpag ang dalawa dahil sa kanilang husay, kumpiyansa at karisma sa harap ng mga hurado at manonood sa Colegio de Santo Cristo de Burgos.

Kasama sa mga nagwagi at bumuo sa hanay ng mga titulo sina Mike Andrei Marcuap at Maureen Venenoso bilang Mister and Miss Teen Tourism, habang tinanghal naman na Mister and Miss Teen Culture sina John Michael Mangubat at Amelia Cline. Nakamit nina Martin Jake Lopez at Julie Nicole Dimailig ang 1st Runner-Up, sinundan nina Kenjie Saberon at Rihanna Mamuyac bilang 2nd Runner-Up, at nakuha nina Mark Anthony Arca at Axcelle Rose Laroza ang 3rd Runner-Up.

Sa mensaheng ibinahagi ni Mayor Marivic T. Gayeta sa pamamagitan ni Municipal Administrator Randy L. Tronila, binigyang-diin niya na ang layunin ng patimpalak ay ipagdiwang ang galing ng kabataang Sariayahin. Aniya, ang lahat ng kandidato ay itinuturing nang mga nanalo dahil sa kanilang katapangan na humarap at kumatawan sa kanilang sariling barangay. Dagdag pa niya, ipinakikita ng mga kabataang ito na ang Sariayahin ay hindi nagpapahuli pagdating sa ganda at talento.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mr. Ambo Razon, Overall Chairperson ng North Star Organization, sa naging suporta ng buong bayan ng Sariaya na naging susi sa tagumpay ng patimpalak. Kinilala rin niya ang mahalagang papel ng mga hurado, sponsor at mga opisyal ng gobyerno kabilang sina Congressman Jayjay Suarez at Alona Partylist Representative Inday Tina Talavera-Lopez, Mayor Marivic T. Gayeta at PPSK President Aicon Candace T. Lopez. Binigyang-pugay din niya ang Sariaya Make-up Artist Association, Sariaya Fashion Designer Association, at ang LGBTQ Sariaya sa kanilang labindalawang taon na pagsuporta sa nasabing kompetisyon.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.