Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐€๐†๐€๐–๐€๐ ๐…๐„๐’๐“๐ˆ๐•๐€๐‹ 2026 ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐๐Ž๐Ž๐“๐‡, ๐๐Ž๐‘๐Œ๐€๐‹ ๐๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐”๐Š๐’๐€๐


๐€๐†๐€๐–๐€๐ ๐…๐„๐’๐“๐ˆ๐•๐€๐‹ 2026 ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐€๐†๐‘๐ˆ-๐“๐Ž๐”๐‘๐ˆ๐’๐Œ ๐๐Ž๐Ž๐“๐‡, ๐๐Ž๐‘๐Œ๐€๐‹ ๐๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐”๐Š๐’๐€๐

Mas buhay na buhay ang kulay at tradisyon sa bayan ng Sariaya matapos pormal na simulan nitong Lunes, Mayo 11, ang pagdiriwang ng Agawan Festival 2026.

Sa gitna ng kalsada ng Daliz Street, pinangunahan ni Mayor Marivic Gayeta ang tradisyunal na ribbon-cutting ceremony. Kasama ang mga opisyal mula sa Sariaya Tourism Culture and the Arts Office (STCAO) at Office of the Municipal Agriculturist, opisyal nang idineklara ang pagsisimula ng selebrasyon na dadagsain ng mga turista hanggang sa Biyernes, Mayo 15.

Nakiisa rin sa pagbubukas sina Dr. Ruben De Gracia Jr., Chief Tourism Officer-Designate, Amalita Amores, Municipal Agriculturist OIC, mga miyembro ng Sariaya Tourism Enterprises Association at ilang department heads ng lokal na pamahalaan.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Gayeta sa suporta ng mga mamamayan. Hindi rin nito kinalimutang ibida ang mga makukulay na arko handog ng URC na nagsisilbing welcome signage sa tulay ng Munting Bayan at hangganan ng Barangay Poblacion 3 at Barangay Balubal.

"Ang bawat dekorasyon at arko ay simbolo ng ating pagkakaisa at masaganang ani dito sa Sariaya," ani Mayor Gayeta.

Matapos ang ribbon cutting, agad rin na binuksan and mga Agri-Tourism Booth sa Barangay Tampok dito ang mga bagong aning gulay at prutas mula sa mga lokal na magsasaka, orihinal na produktong tatak Sariayahin at handicrafts.

Personal na nilibot nina Mayor Gayeta at Vice Mayor Arlene Genove ang bawat booth para magpakita ng suporta sa mga lokal na magsasaka at MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises).
Sa mga nais bumisita at mamili, bukas ang mga booth mula 8:00 ng umaga hanggang hapon. Magtatagal ang Agri-Tourism Booth hanggang sa mismong araw ng kapistahan sa Mayo 15.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.