Nagbigay ng mahahalagang paalala at impormasyon nitong Biyernes (May 6) si Municipal Fire Marshall FSINSP Edwin A Emradura sa programang โAlerto!โ kasama si Kuys Kenneth kaugnay ng patuloy na pagtaas ng insidente ng sunog sa Sariaya at ibaโt ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay FSINSP Emradura, isa sa madalas na sanhi ng sunog lalo na ng grassfire ay ang simpleng pagsusunog ng basura at pagtatapon ng upos ng sigarilyo kung saan-saan. Aniya, hindi lamang ari-arian ang nalalagay sa panganib kundi maging ang kalusugan ng mga residente, lalo na ang mga may hika o asthma na naaapektuhan ng usok.
Dagdag pa niya, ipinagbabawal ang pagsusunog dahil bukod sa polusyon ay nakakadagdag din ito sa pagkasira ng kalikasan gaya ng pagpapanipis ng ozone layer.
Ipinaliwanag din ni Emradura na sa oras ng sunog, inuuna muna ng mga bumbero na iligtas ang mga katabing bahay o establisyemento upang hindi na lumawak pa ang apoy. Ang paraang ito ay tinatawag na โcover exposure.โ Nagbigay rin siya ng paalala sa publiko na huwag nang bumalik sa nasusunog na bahay para kumuha ng mahahalagang gamit dahil maaari itong magdulot ng mas malaking panganib sa buhay. Mas mainam na ipaubaya na lamang ito sa mga rumespondeng bumbero.
Para naman sa mga bahay na gawa sa light materials, pinayuhan niya ang mga residente na regular na ipasuri ang linya ng kuryente sa lisensyadong electrician upang maiwasan ang electrical fire. Paalala rin niya na tiyaking nakapatay ang kandila at kalan matapos gamitin at huwag hayaang makapaglaro ng lighter o posporo ang mga bata.
Kaugnay nito, hinikayat din niya ang publiko na iwasan ang paggamit ng โoctopus connectionโ o sobrang daming nakakabit sa iisang saksakan dahil maaari itong magdulot ng short circuit at sunog. Bago umalis ng bahay o establisyemento, mainam din umanong tanggalin sa saksakan ang appliances at gadgets o kaya naman ay ibaba ang breaker upang maiwasan ang pinsala kapag may electrical fluctuation.
Samantala, para sa agarang responde sa sunog at iba pang emergency, maaaring tumawag ang publiko sa 911 o sa mga numerong 0967-413-0263 at (042) 525-8756.
Nakasuporta naman sa Bureau of Fire Protection ang lokal na pamahalaan ng Sariaya sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice-Mayor Arlene M. Genove at Sangguniang Bayan ng Sariaya.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.