Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

AGAWAN FOOD FEST WITH SARIAYA VENDORS AND FOOD CARTS ASSOCIATION UPDATES


AGAWAN FOOD FEST WITH SARIAYA VENDORS AND FOOD CARTS ASSOCIATION UPDATES

Muling uminit ang kalan at dumagsa ang mga nagaabang na mamimili sa pagbubukas ng Agawan Festival Food Bazaar nitong Lunes, Mayo 11. Sa pangunguna ng Sariaya Vendors and Foodcarts Association, naging sentro ng takam ang kahabaan ng Rizal Street kung saan ibinibida ang ibaโ€™t ibang uri ng pagkain at mga lokal na delikasiya. Mula sa mga paboritong shawarma, fruit shakes, at Korean street food, hindi rin nagpahuli ang kasalukuyang viral at trending na Ilocos empanada na dinarayo ngayon ng mga foodies.

Inaasahang lalong sisigla ang gabi sa bayan dahil bukas ang nasabing bazaar simula alas-singko ng hapon para sa lahat ng nais makitakam at makisaya sa selebrasyon. Ang mga food stalls na ito ay mananatili sa lugar upang magsilbi ng masasarap na putahe hanggang sa mismong araw ng kapistahan sa darating na Mayo 15. Kaya para sa mga naghahanap ng mapapasyalan at mapaglalamanan ng tiyan, ang Agawan Festival Food Bazaar ang 'place to be' ngayong linggo sa Sariaya.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.