Radyo Kaisahan 107.7 FM
Ang nag-iisang community radio sa Bayan ng Sariaya
Sunday, March 15, 2026
| Time | Program | Announcer/Anchor | Status | Action |
|---|---|---|---|---|
| 5:30amβ7:30am | Music Up Beat | Aya Mhae, Kuys Wacky | Finished | |
| 8:00amβ9:00am | Rated SPG | Kuys Wacky | Upcoming | |
| 9:00amβ10:00am | Don't Panic Its Organic | Aya Mhae | Upcoming | |
| 10:30amβ11:00am |
RK Music
RK Music Using RK trio OBB as a test |
Aya Mhae, Papa Tom | Upcoming | |
| 10:30amβ11:00am | Katumbas ay Biyaya | Aya Mhae | Upcoming | |
| 11:00amβ12:00pm | Green Minded | Kuys Wacky | Upcoming |
Meet the voices behind Radyo Kaisahan 107.7 FM
Latest
Naging matagumpay ang isinagawang PuroKalusugan program sa Barangay Concepcion Banahaw nitong Martes (March 3) kung saan maraming residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal. Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Health Officer- I Dr. Omar Ilagan kasama ang ilang Human Resource for Health (HRH) mula sa Department of Health na kasalukuyang tumutulong sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Sariayahin. Sa naturang programa, nagkaroon ng libreng konsultasyon o check-up kasama ng pagbibigay ng reseta, pagbabakuna ng mga sanggol, at maternal check-up para sa mga buntis. Layunin nitong maabot ang mga komunidad na malalayo sa bayan at kadalasang nahihirapang makakuha ng serbisyong medikal. Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang mga Barangay Health Worker, midwife, Barangay Nutrition Scholar, at mga nurse na sama-samang naghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente. Samantala, magpapatuloy pa ang ganitong mga programa sa ilang lugar tulad ng Barangay Antipolo sa March 12 at Barangay Sampaloc Bogon sa March 18 upang mas maraming barangay ang mapuntahan at mas maraming mamamayan ang matulungan. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan ng Sariaya at ng Rural Health Unit na mailapit ang serbisyong medikal sa bawat komunidad.
Read Full Story
Isinagawa ang buwanang pagpupulong ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) nitong Pebrero 24 sa Barangay Manggalang Tulo-Tulo kung saan dinaluhan ng 46 BNS mula sa 43 barangay ng Sariaya kasama ang tanggapan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO). Sa pulong, tinalakay ni BNS President Rica Beltran ang nakatakdang petsa para sa regular na pagpapasa ng 1st Quarter Operation Timbang (OPT) Plus report. Bukod dito, ipinaalala rin niya sa mga BNS na makibahagi at makiisa sa pagbabahagi ng impormasyon sa mahalagang tungkulin at ginagawa ng mga BNS sa pamamagitan ng Nutriskwela Radyo Kaisahan 107.7 FM. Samantala, iminungkahi naman nina MNAO Staff Aaron Aldea at Ahya Albitos ang pagpapa-iskedyul ng Data Quality Check (DQC) para sa mga barangay na hindi pa sumasailalim rito, ganun din ang paghahanda ng masterlist ng mga mahahalagang documento para sa MELLPI Pro at pagkakaroon ng mga sagot sa problem tree at Barangay Nutrition Action Plan o BNAP.
Read Full Story
Kasabay ng monthly meeting ng mga Barangay Nutrition Scholars nitong Pebrero 24, isinagawa ang validation at calibration ng mga wooden height board ng mga Barangay Nutrition Scholar sa Barangay Manggalang Tulo- Tulo sa pangunguna ni Nutritionist-Dietitian II Tracy Joyce Lindo mula sa Quezon Provincial Department of Health Office. Ayon kay Lindo, ginagawa ang validation at calibration upang makita ang tamang sukat ng mga batang sumasailalim sa Operation Timbang Plus o OPT Plus. Binigyang-diin rin niya na hindi sa tao nanggagaling ang mga maling datos, kundi sa mga tools na hindi nabeberipika taon- taon at hindi dumadaan sa tamang calibration tuwing tatlong tatlong taon. Sa huli, ipinaalala niya sa mga BNS at maging sa lahat na nangangailangan ng tamang edukasyon at kaalaman para matiyak na may katumpakan ang mga datos na nakakalap sa pamamagitan ng validated at calibrated na mga height boards at timbangan.
Read Full Story
Radyo Kaisahan 107.7 FM officially launched its newest community program, Kabataan Kontra Droga, aimed at empowering the youth of Sariaya through education, awareness, and open dialogue. The program, which aired for the first time last Saturday, features local educators, youth leaders, and community volunteers discussing relevant issues affecting young people today. The initiative seeks to provide a safe platform where the youth can voice their concerns and learn practical solutions to everyday challenges. According to Station Manager Maria Santos, the goal of the program is to strengthen community involvement and promote positive values among listeners. βAs the only community radio station in Sariaya, we believe it is our responsibility to guide and support our youth through informative and meaningful discussions,β she said. The program will air every Saturday at 3:00 PM and will include live call-ins, social media interaction, and special guest segments. Listeners are encouraged to participate by sending their questions and suggestions through the stationβs official Facebook page. Radyo Kaisahan 107.7 FM continues to serve as a platform for information, education, and community engagement in the Municipality of Sariaya.
Read Full Story