Mula umaga hanggang hapon, patuloy ang isinasagawang serbisyo ng Dental Health Section ng Office on Health Services para sa mga kabataan ng Sariaya, sa layuning matiyak na sila ay may sapat na kaalaman at akses sa mga kagamitang makatutulong sa pangangalaga ng kanilang mga ngipin.
Matagumpay na isinagawa noong March 17, 2026 sa Barangay Bignay 1 at Tumbaga 1 ang pamamahagi ng toothbrush na may kasamang toothpaste, oral health education, at ikalawang paglalagay ng fluoride ngayong taon para sa mga day care students.
Pagbati sa masisipag na dental professionals na sina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist; Dr. Simeon Alcantara, Dentist II; at Dr. Alexis Espinosa, DOH Dentist, kasama ang mga kawani ng Office on Health Services sa pangunguna ni Dr. Omar N. Ilagan, Municipal Health Officer I.
Patuloy ang mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arlene M. Genove at ang buong konseho, sa pagtataguyod ng maayos na kalusugan ng ngipin at mas maliwanag na ngiti para sa bawat Sariayahin.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.