Nabigyan ng libreng oral health services ang mga Senior Citizens ng Barangay Sampaloc Bogon ngayong ika – 5 ng Mayo sa pangunguna ng Office on Health Services – Dental Health Section.
Dito patuloy na hinahatiran ng libreng Oral Examination, Topical Fluoride Application, at Oral Prophylaxis at Oral Health Education ang mga benepisyaryo sa tulong ng mga Dentista ng bayan na sina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist, Dr. Simeon Alcantara, Dentist II at Dr. Alexis Espinosa, DOH Dentist.
Hangad ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta na maipabot ng libre ang mga naturang serbisyo katuwang ang Department of Health (DOH) para sa kapakanan ng mga mamamayan sa Sariaya, Quezon.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.