Kasabay ng isinagawang pagbaba sa Barangay Guisguis San Roque ngayong Huwebes, Mayo 7, nagsagawa ang Dental Health Section ng Rural Health Unit Sariaya ng Oral Health Education para sa mga buntis mula sa 43 barangay ng bayan.
Pinangunahan ni Dr. Simeon Alcantara, Dentist II, ang nasabing aktibidad na layuning mapalawak ang kaalaman ng mga nagdadalang-tao hinggil sa wastong pangangalaga ng kalusugan ng ngipin at bibig upang mapanatili ang kanilang maayos na kalagayan habang nagbubuntis.
Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa tamang oral hygiene at kahalagahan ng regular na dental check-up para sa kalusugan ng ina at sanggol.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.