Radyo Kaisahan 107.7 FM
← Back to News

DENTAL MISSION AND ORAL HEALTH EDUCATION UPDATES


DENTAL MISSION AND ORAL HEALTH EDUCATION UPDATES

Patuloy na inilalapit ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya ang serbisyong pangkalusugan sa mamamayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng oral health services sa iba’t ibang barangay sa bayan.

Ngayong araw, Mayo 7, nagtungo ang Office on Health Services – Dental Health Section sa Barangay Guisguis San Roque upang magsagawa ng libreng Oral Examination, Topical Fluoride Application, Oral Prophylaxis, at Oral Health Education para sa mga residente.

Naging benepisyaryo ng nasabing programa ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga buntis sa lugar. Pinangunahan ang aktibidad nina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist; Dr. Alexis Espinosa, DOH Dentist; kasama ang iba pang dental staff ng tanggapan.

Layunin ng programa na higit pang mapalawak ang kamalayan ng publiko hinggil sa wastong pangangalaga ng kalusugan ng ngipin at bibig, kasabay ng pagbibigay ng libreng serbisyong dental para sa mga mamamayan nito.

#RK1077FM #CNN

💬

0 Comments

0 / 2000
🗨️

Be the first to share your thoughts on this story.