Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐Œ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐๐ˆ ๐ƒ๐‘. ๐€๐‹๐๐€๐˜


๐Œ๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‹๐”๐’๐”๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐๐ˆ ๐ƒ๐‘. ๐€๐‹๐๐€๐˜

Nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at karanasan si Dr. Lyndon John A. Albay, patungkol sa programa ng Department of Health na Doctors to the Barrios sa programang Health Watch sa Radyo Kaisahan kasama si Sissy Larah. Ayon kay Dr. Albay, ang Doctors to the Barrios o DTTB ay nagsimula pa noong 1993 sa ilalim ng pamumuno ni dating DOH Secretary Juan Flavier kung saan sa kasalukuyan ay nasa tatlong libong doktor na ang naka-deploy sa ibaโ€™t ibang sulok ng Pilipinas para sa tatlong taong community service.

Binigyang-diin ng doktor ang malaking pagkakaiba ng pagtatrabaho sa pampublikong sektor kumpara sa pribadong ospital. Kung sa private ay karaniwang umaabot sa dalawampuโ€™t apat na oras ang duty, sa gobyerno ay sinusunod ang walong oras na trabaho mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ngunit mas nakatutok naman sa pangangailangan ng komunidad.

Sa bayan ng Sariaya, sinabi ni Dr. Albay na ang mga naninirahan sa malalayong lugar gaya ng mga nasa paanan ng bundok Banahaw ang madalas na nangangailangan ng atensyong medikal. Nahahati umano sa dalawang kategorya ang mga sakit na kanilang tinutugunan: ang mga nakakahawa tulad ng sipon, ubo, lagnat, trangkaso, at tuberculosis; at ang mga di-nakakahawa gaya ng diabetes, hypertension, at atake sa puso.

Bagamaโ€™t nakatutulong sa marami, inamin ni Dr. Albay na ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging isang DTTB ay ang pagkakalayo sa kanyang hometown at pamilya. Gayunpaman, pilit itong pinapagaan ng mga programang tulad ng PuroKalusugan kung saan personal siyang bumibisita sa mga lugar ng Antipolo, Banahaw, Bogon, Sampaloc 1, at Limbon upang tutukan ang nutrisyon at kalusugan ng mga residente.

Para sa kanya, ang simpleng pasasalamat mula sa mga pasyente ang nagsisilbing pinaka-memorable niyang karanasan na nagpapagaan ng kanyang pakiramdam sa gitna ng pagod. Inspirasyon din umano niya ang neurologist na si Dr. Elton Ong na hinahangaan niya dahil sa pagkakaroon ng malaking puso at pagtulong sa lahat ng uri ng pasyente anuman ang katayuan sa buhay.

Sa pagtatapos ng panayam, nanawagan si Dr. Albay sa mga tagapakinig na huwag mag-atubiling pumunta sa Rural Health Unit - Sariaya at samantalahin ang mga libreng serbisyo ng DOH para sa kanilang kalusugan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.