Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐๐‘๐๐€๐๐ˆ, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„


๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐๐‘๐๐€๐๐ˆ, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„

Isinagawa sa pamamagitan ng online ang 1st Quarter Meeting ng Nutriskwela Radio Broadcasters Association of the Philippines, Inc. (NRBAPI), kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin para sa pagpapalakas ng mga community radio station sa bansa.
Kabilang sa mga napag-usapan ang update sa SEC registration ng samahan, gayundin ang nalalapit na paglulunsad ng Nutriskwela Academy sa darating na Mayo 2026. Layunin ng programang ito na sanayin ang mga empleyado ng bawat istasyon sa larangan ng broadcasting, pagsusulat ng balita, makabagong pamamaraan sa online broadcasting, pati na rin sa pagpaplano at koordinasyon.
Tinalakay rin ang regular na programang โ€œPalay Bida sa Nutriskwelaโ€ katuwang ang PHILRICE, na pangungunahan ni Station Manager Jamju A. Rivera ng Radyo Komunidad. Samantala, pangungunahan naman ni Station Manager Rodel Isler ng Radyo Kaabyanan ang monitoring at evaluation ng mga nutrition campaigns ng bawat Nutriskwela Community Radio Station.
Pinag-usapan din ang pagpapalakas ng ugnayan ng NRBAPI sa ibaโ€™t ibang istasyon sa Luzon at sa buong Pilipinas sa pangunguna ni Station Manager Irma V. Cadiz ng Radyo Kaisahan, sa tulong ng isang monitoring tool. Kabilang din sa agenda ang programang Youth for Nutrition Advocacy na katuwang ang NNC at Nutriskwela Community Radio Network.
Dinaluhan ang naturang pagpupulong ng ibaโ€™t ibang community radio stations kabilang ang Radyo Kailian, Radyo Kausbawan, Radyo Kaunlaran, Radyo Kaluguran, Radyo Kaisahan, Radyo Komunidad, Radyo Kaabyanan, at Radyo Kaedup.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Chavez ang mungkahing makipag-ugnayan sa sa mga posibleng makatuwang na ahensya upang masuportahan ang mga Nutriskwela Community Radio Station sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan sa radyo na magagamit sa pagpapaabot ng impormasyon sa publiko. Aniya, makikinabang din ang mga katuwang na ahensya, kabilang ang mga pribadong organisasyon, sa pagpapalaganap ng kanilang impormasyon sa publiko nang hindi nalalabag ang polisiya ng mga istasyon.
Sa huli, binigyang-diin ni Chavez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang direksyon sa nutrition information campaign na ibinobroadcast ng bawat community radio station upang mas mapalakas ang abot at epekto nito sa mamamayan.
#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.