Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‡๐”๐–๐€๐‘๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐€๐๐† 2026, ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€


๐‡๐”๐–๐€๐‘๐€๐๐† ๐†๐ˆ๐๐€๐๐† 2026, ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ƒ๐ˆ๐‘๐ˆ๐–๐€๐๐† ๐๐† ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐ ๐’๐€ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€

Naging makulay at makahulugan ang isinagawang General Assembly ng mga kababaihan noong Marso 13, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan, kung saan muling naipakita ang lakas at boses ng kababaihan mula sa 43 barangay ng bayan ng Sariaya.

Panauhing pandangal sa naturang pagtitipon sina Alona Partylist Representative Congresswoman Maria Cristina โ€œInday Tinaโ€ Talavera-Lopez, Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove, Municipal Administrator at MGAD Focal Person Randy L. Tronila, Municipal Social Welfare and Development Officer Claire D. Obnial, Gilas Kababaihan President Rica Decena, at Konsehal Teodorico Dela Peรฑa. Sa kanilang mga talumpati, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikilahok ng lahat sa pagsusulong ng gender equality alinsunod sa tema ng 2026 National Womenโ€™s Month Celebration na โ€œWE for Gender Equality and Inclusive Society,โ€ na may sub-theme na โ€œLead Like the Babaylans, Filipinas!โ€

Binibigyang-diin ng naturang tema ang sama-samang pagkilos ng kababaihan at ng buong komunidad upang maisulong ang pantay na oportunidad, karapatan, at ligtas na espasyo para sa lahat. Hango rin ito sa inspirasyon ng mga babaylan noong sinaunang panahon na kinikilala bilang mga pinunong babae na nagtataglay ng karunungan at malasakit sa komunidad.

Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng programa ang mas pinasiglang Search for Huwarang Ginang 2026, na muling isinagawa matapos ang huling patimpalak noong 2023 kung saan tinanghal na nagwagi si Melanie Abenes ng Barangay Poblacion 3. Ngayong taon, 21 kandidata mula sa ibaโ€™t ibang barangay ang nagtagisan ng ganda, talino, at kakayahan sa production number na may Hawaiian theme, long gown competition, at question-and-answer portion.

Sa huli, itinanghal na Huwarang Ginang 2026 si Ginang Jill Cielo P. Rasay - Tambor ng Barangay Pili. Nakuha naman ni Ginang Reena May M. Dahildahil ng Barangay Concepcion Palasan ang titulong 1st Runner-Up, habang 2nd Runner-Up si Gng. Jhossa De Villa Veรฑales ng Barangay Sampaloc 2. Samantala, 3rd Runner-Up si Ginang Michelle V. Aguila ng Barangay Bignay 2 at 4th Runner-Up si Ginang Michelle B. Simondac ng Barangay Castaรฑas.

Nagsilbing mga hurado sa patimpalak sina Chairmaine Joy Dy, Binibining Quezon Tourism 2026; Mia Katherin Acesor, may-ari ng Alayna Zuri Aesthetic Lucena; Atty. Kate Alyssa D. Rances, Binibining Sariaya 2017; PPSK President Aicon Candace T. Lopez; Marlouie Manalo Mendoza, CEO ng Power Scents Perfume Collections; at Kristian Angelo Ariola, Ginoong Niyogyugan 2023.

Naging mas masigla pa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng raffle draws para sa mga kababaihang dumalo mula sa ibaโ€™t ibang barangay kung saan namigay ng mga refrigerator, durabox, mga gamit sa bahay, at cash prices. Bukod dito, pinasaya rin ang mga delegado ng isang live band performance na handog ni Mayor Marivic T. Gayeta bilang maagang selebrasyon ng kaniyang nalalapit na kaarawan.

Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ng Municipal Gender and Development Office sa pamumuno ng head organizer na si Zol Umbaรฑa-Pong kasama ang kaniyang buong staff at katuwang ang ibaโ€™t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Naging bahagi rin ng tagumpay ng programa ang Sariaya Fashion Designers Association, na lumikha ng mga kasuotang ginamit sa production number at long gown competition, at ang Sariaya Hair and Make-Up Artist Association na nagbigay ng make-up at styling sa mga kandidata.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.