Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‡๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐’๐„๐๐˜๐Ž ๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€


๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐€ ๐๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐‡๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐’๐„๐๐˜๐Ž ๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€

Kinilala ng Municipal Gender and Development Office (MGAD) ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan na aktibong nakilahok sa pagdidisenyo ng kanilang mga opisina bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month.

Isinagawa ang pagbibigay-pagkilala nitong Lunes, Marso 16, kasabay ng regular na flag raising ceremony sa Sariaya New Municipal Hall.

Kabilang sa mga tanggapang ginawaran ng pagkilala at tumanggap ng tig-โ‚ฑ1,000 cash incentive ang Municipal Accounting Office, Bids and Awards Committee Office, Human Resource Management Office, Office of the Local Civil Registrar, at Municipal Nutrition Action Office.

Ipinakita sa kanilang mga disenyo ang interpretasyon sa tema ng selebrasyon ngayong taon na โ€œWE for Gender Equality and Inclusive Societyโ€, na may sub-theme na โ€œLead Like the Babaylans, Filipinas!โ€, na naglalayong ipakita ang papel at kakayahan ng kababaihan sa pamumuno at paghubog ng isang patas at inklusibong lipunan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si MGAD Focal Person Randy Tronila sa lahat ng mga tanggapang nakiisa sa mga programang inihanda para sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month.

Dagdag pa niya, nakatakda ring isagawa sa Marso 25 ang isang sports fest para sa mga kababaihang empleyado ng lokal na pamahalaan bilang bahagi pa rin ng patuloy na selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.