Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐๐€๐Š๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐”๐๐†๐€๐, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ ๐๐† ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐


๐๐€๐Š๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐”๐๐†๐€๐, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ ๐๐† ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐

Binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan o cooperation sa isinagawang regular na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan nitong Lunes, Marso 16, sa Sariaya New Municipal Hall.

Pinangunahan ng Public Market and Slaughterhouse Office ang naturang programa kung saan ibinahagi bilang 'Values of the Weekโ€™ ang salitang cooperation o pakikipagtulungan.

Ayon kay Public Market Supervisor III Gil L. Sales, mahalaga ang pakikipagtulungan sa loob ng isang organisasyon, lalo na sa pamahalaang lokal, upang maipakita ang sama-samang pagkilos ng bawat tanggapan sa maayos at epektibong paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

Binigyang-diin din ni Sales na hindi lamang iisang opisina o indibidwal ang may pananagutan sa pag-unlad ng komunidad. Aniya, nakasalalay ang tagumpay ng mga programa at proyekto sa maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng bawat departamento at empleyado ng lokal na pamahalaan. Dagdag pa niya, nagsisimula ang tunay na pag-unlad ng komunidad sa pagkakaisa ng bawat isa.

Samantala, inihayag naman ni Municipal Administrator Randy Tronila ang pansamantalang suspensyon ng ipinatutupad na 4-day work week ngayong linggo, alinsunod sa Memorandum No. 2026-27 na inilabas ni Mayor Marivic T. Gayeta, kaugnay ng pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa Marso 20. Hinikayat din niya ang mga empleyado ng pamahalaan na maglingkod nang may ngiti at may malasakit para sa bayan at sa Diyos.

Inanunsyo rin ni Municipal Planning and Development Coordinator Ronnie Lindog na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Climate and Disaster Risk Assessment mula Marso 16 hanggang 18 bilang bahagi ng paghahanda at pagpapalakas ng mga programa sa disaster risk reduction.

Samantala, ibinahagi naman ni Municipal Health Officer I Dr. Omar N. Ilagan na bilang bahagi ng paggunita sa World Tuberculosis Day, muling magsasagawa ang Rural Health Unit ng libreng chest X-ray mula Marso 24 hanggang 26. Tinatayang nasa 150 pasyente kada araw ang mabibigyan ng serbisyong ito mula sa tanggapan ng kalusugan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.