Ginanap ngayong Abril 27 ang Blood Donation Drive sa 3rd Floor Conference Room ng New Municipal Hall sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya, Philippine Red Cross, at Red Cross Youth- Sariaya. Bida sa aktibidad na ito ang programang Pledge 25 na humihikayat sa mga kabataang edad 16 hanggang 25 na maging regular blood donors tuwing ikatlong buwan.
Sa bawat donasyon ay hanggang tatlong buhay ang iyong naililigtas kaya naman malaking tulong ito upang makabuo ng healthy habit ng volunteerism sa ating bayan. Bukod sa pagiging bahagi ng elite group ng committed donors, ang mga miyembro ay maaari ring maka-avail ng Red Cross donor benefits sa oras ng emergency.
Maraming salamat sa mga bayaning Sariayahin na nakiisa sa misyong ito.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.