Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐“๐”๐‹๐ˆ, ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž


๐‹๐ˆ๐๐‘๐„๐๐† ๐“๐”๐‹๐ˆ, ๐‡๐€๐๐ƒ๐Ž๐† ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž

Balik-operasyon ang serbisyong medikal sa Barangay Sampaloc Sto. Cristo matapos ilunsad ang kanilang taunang libreng tuli para sa mga kabataang lalaki sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng Radyo Kaisahan kay Kagawad Wilfredo M. Manalo, Chairman ng Committee on Health, kinumpirma nitong nasa 92 na kabataan ang nakatala sa listahan para sumailalim sa nasabing procedure. Ayon kay Kagawad Manalo, mahalaga ang programang ito dahil bahagi na ng kultura at kasaysayan ng mga Pilipino ang pagtutuli, kaya naman sinisiguro ng pamahalaang barangay na kaisa sila ng mga mamamayan sa pagbibigay ng libreng serbisyo.

Ito na ang ikalawang taon na isinagawa ang programa sa nasabing barangay mula nang simulan ito noong 2025. Binigyang-diin ni Kagawad Manalo na dati ay sa poblasyon lamang madalas ginagawa ang mga ganitong aktibidad, ngunit ngayon ay pangatlo na ang kanilang barangay sa mga nakakaranas nito, kasunod ng Barangay Sampaloc 2 at Lutucan Bata ngayong taong 2026.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Punong Barangay Oscar M. Sulit sa matagumpay na inisyatiba sa tulong ng Southern Luzon Command (SOLCOM), Rural Health Unit (RHU), mga nurse mula sa Department of Health (DOH), at mga local Barangay Health Workers. Ayon kay Kapitan Sulit, naging mabilis ang pag-request ng mga kagamitan at gamot sa pamamagitan ng kanyang mga kagawad na agad namang sinuportahan ni Governor Doktora Helen Tan at ng Pamahalaang Bayan ng Sariaya.

Aniya, sa loob ng halos dalawang taon ng kanilang paglilingkod mula noong 2023, hindi sila nauubusan ng supply ng gamot para sa kanilang Health Center. Tiniyak din ng barangay na gagawin itong annual o taunang programa kaya hindi dapat mag-alala ang mga hindi nakasama sa listahan ngayon.

Samantala, nagpaalala naman si Dr. Omar N. Ilagan, Municipal Health Officer โ€“ I, sa mga benepisyo ng pagtutuli sa aspeto ng kalusugan. Aniya, mas napapadali nito ang paglilinis ng ari na nagpapababa sa panganib ng urinary tract infection (UTI) at ilang sexually transmitted infections (STI). Gayunpaman, binigyang-diin niya na hindi ito kapalit ng tamang hygiene.

Hinimok din ni Dr. Ilagan ang publiko na sa mga accredited health facilities lamang magpatuli upang masiguro na mga trained professionals ang hahawak sa mga bata, lalo naโ€™t mas mababa ang tsansa ng impeksyon at handa ang emergency health response team kung magkaroon man ng komplikasyon.
Hinihikayat naman ang iba pang kabataan sa bayan ng Sariaya na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay upang samantalahin ang pagkakataon habang wala pang pasok sa eskwelahan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.