Matagumpay na naisakatuparan ang isang Medical Circumcision at Dental Mission nitong April 17, 2026, sa Barangay Lutucan Bata, Sariaya, Quezon. Layunin ng nasabing aktibidad, na inisyatibo nina Kapitan Jose J. Bico at ng Sangguniang Barangay, na maghatid ng libreng serbisyong medikal para sa mga residente.
Katuwang sa nasabing programa ang Southern Luzon Command (SOLCOM), Rural Health Unit (RHU) โ Sariaya, at Department of Education (DepEd). Sa kabuuan, 89 na residente ang nakatanggap ng serbisyong dental habang 66 na kabataang lalaki naman ang matagumpay na natulian.
Lubos ang pasasalamat ni Kapitan Bico sa tulong ng SOLCOM at RHU-Sariaya sa pangunguna nina Dr. Omar N. Ilagan, Municipal Health Officer โ I, Dr. Lyndon John Albay, Doctor to the Barrios, at Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist na naging katuwang sa mga operasyon. Binigyang-pugay rin ang tulong ng DepEd Sariaya sa ilalim ni West District Supervisor Maria Lourdes Cabanag, kasama sina Dr. Gabo Aliling at mga nurses at dentists ng kanilang ahensya.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.