Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

DENTAL SECTION UPDATES


DENTAL SECTION UPDATES

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng libreng dental services ng lokal na pamahalaan ng Sariaya sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove at ng Sangguniang Bayan upang tiyakin ang kalusugan at magandang ngiti ng mga mamamayan nito.

Nitong Martes, April 14, 2026, matagumpay na isinagawa ang programa sa Barangay Poblacion 4 para sa mga senior citizens. Sa pangunguna ni Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Health Dentist, sumailalim ang mga benepisyaryo sa mga sumusunod, Oral Examination at Oral Health Education, Topical Fluoride Application at Oral Prophylaxis o libreng paglilinis ng ngipin.

Hindi rin nagpahuli ang serbisyo para sa mga Person with Disabilities (PWDs) na ginanap naman sa Barangay Poblacion 1 nitong April 22, 2026.

Ang tagumpay ng nasabing inisyatibo ay bunga ng pagtutulungan ng mga dentista sa Sariaya, katuwang sina Dr. Simeon Alcantara, Dentist II at Dr. Alexis R. Espinosa, DOH Dentist at mga Dental Staff ng kanilang tanggapan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.