Pormal nang itinalaga ang mga bagong halal na opisyal at miyembro ng Community Radio Council (CRC) ng Nutriskwela Radyo Kaisahan 107.7 FM para sa taong 2026 sa isang makabuluhang seremonya na ginanap sa Balai Lingkuran ngayong araw ng Biyernes, ika-10 ng Abril, 2026.
Pinangunahan ni Mayor Marivic T. Gayeta ang panunumpa sa katungkulan ng lupon sa pangunguna ni Dr. Oman N. Ilagan bilang Chairperson, kasama ang mga Council Officers at mga miyembro mula sa ibaโt ibang komite. Sa harap ng alkalde, buong tatag na nangako ang mga opisyal na tutuparin ang kanilang mga tungkulin nang may katapatan, responsibilidad, at dedikasyon. Bahagi ng kanilang panunumpa ang pangakong magsisilbing boses ng komunidad at titiyaking ang serbisyo ng radyo ay magiging inklusibo, impormatibo, at kapaki-pakinabang para sa lahat.
Binigyang-diin din sa naturang oath-taking ang pagtalima ng konseho sa bisyon at misyon ng National Nutrition Council (NNC) at ng katuwang na Lokal na Pamahalaan upang itaguyod ang kapakanan ng publiko.
Saksi sa nasabing aktibidad ang mga station personnel sa pangunguna ni Station Manager Dr. Irma V. Cadiz at ng kaniyang mga kasamahan, na nagpakita ng buong suporta sa bagong pamunuan na siyang magsisilbing katuwang sa pagpapatakbo at pagpapaunlad ng Nutriskwela Radyo Kaisahan 107.7 FM sa darating na taon.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.