Matagumpay na isinagawa ang masusing Monitoring and Evaluation nitong Abril 6 sa Barangay Tumbaga 1 bilang opisyal na kalahok mula sa bayan ng Sariaya para sa prestihiyosong Provincial Outstanding Barangay Nutrition Council (BNC) at Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS).
Personal na pinangunahan ni Registered Nutritionist Dietitian Joan Maricel Zeta-Decena, Provincial Nutrition Action Officer, ang nasabing ebalwasyon, kung saan mariin niyang ipinaliwanag ang kahalagahan ng prosesong ito upang matiyak na napananatili ang mataas na antas ng serbisyong pang-nutrisyon sa lalawigan.
Kasama rin sa evaluation team ang mga miyembro ng Quezon Provincial Nutrition Multisectoral Council (QPNMC) na sina Kristine Nicolle Estrella, Nutrition Dietitian II mula sa Integrated Provincial Health Office, Ezra Minette B. Lasin, Nutrition Dietitian II at Dik C. Cantos, Acting Broadcast Station Manager ng Radyo Pilipinas Lucena.
Nagpakita naman ng buong suporta ang lokal na pamahalaan ng Sariaya sa pamamagitan ni MNAO Reymundo D. Razon, na dumalo sa ngalan ni Mayor Marivic T. Gayeta.
Mainit namang tinanggap ng pamunuan ni Kapitan Rhyan E. Magadia ang mga evaluation team, kasama ang mga miyembro ng BNC na sina BNS Julieta A. Sengco, Barangay Midwife Merliza M. Defeo, Barangay Secretary Rogane E. Aguirre, Barangay Treasurer Emerson D. Rosales, at Barangay Kagawad Nelia De Luya. Kabahagi rin sa aktibidad sina Ms. Geellaine J. Arellano bilang School Health Committee Representative at Ms. Regina D. Recio na isang Child Development Worker.
Sa loob ng naturang monitoring, mabusising sinuri ng mga evaluators ang mga mahahalagang dokumento at records ng barangay upang makita kung pasok ito sa kwalipikasyon ng Provincial Nutrition Action Office. Layunin nito na kilalanin ang mga barangay na may pinakamahusay na programa laban sa malnutrisyon at maayos na pamamahala sa nutrisyon sa buong lalawigan ng Quezon.
Inaasahan namang isasagawa ang pormal na feedbacking sa darating na Abril 8, 2026, araw ng Miyerkules. Dito ay ilalahad ang naging resulta ng ebalwasyon at mga rekomendasyon sa harap mismo ng Punong Bayan ng Sariaya upang mas lalo pang mapatibay ang mga inisyatibong pang-kalusugan sa naturang lugar at sa bayan.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.