Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐“๐”๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐Œ๐๐€๐‹๐Ž๐‚ 2


๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐“๐”๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐Œ๐ˆ๐’๐’๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐Œ๐๐€๐‹๐Ž๐‚ 2

Matagumpay na isinagawa ang isang Operation Tuli at Dental Mission sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon ngayong araw, March 28, 2026. Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM) katuwang ang Sangguniang Barangay upang magbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente.

Sa kabuuan mayroong 39 na residente ang napaglingkuran sa bunot ng ngipin, habang 48 na kabataan naman ang matagumpay na natulian sa nasabing misyon.

Naging katuwang sa tagumpay ng programa ang mga dedikadong staff mula sa Rural Health Unit (RHU) sa pangunguna nina Dr. Omar N. Ilagan, Municipal Health Officer I, Nurse Jessa M. Reynoso, Midwife Mavic G. Ayag, at DOH Nurse ng Sampaloc 2 na si Lyniel D. Habito.

Layunin ng misyong ito na ilapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong komunidad, lalo na para sa mga kabataang sasailalim sa libreng tuli ngayong panahon ng bakasyon at mga residenteng nangangailangan ng kalingang dental.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.