Mas hinigpitan pa ang pagbabantay sa kalusugan ng mga bata sa bayan ng Sariaya matapos isagawa ang ikatlong buwanang pagpupulong ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa 43 barangay nitong Martes, Marso 24.
Sa pulong na ginanap sa Conference Room A ng Sariaya New Municipal Hall, naging sentro ng talakayan ang pagsasagawa ng Operation Timbang Plus (OPT Plus) para sa unang quarter ng taon.
Ayon kay BNS President Romarica Beltran ng Sampaloc 2, mahalagang maabot ang hindi bababa sa 80% coverage ng OPT Plus bawat quarter. Ito ay upang matiyak na makukuha ang pinaka-eksaktong datos na magtutukoy sa mga batang nangangailangan ng agarang atensyon at interbensyon pagdating sa kanilang nutrisyon.
Bilang bahagi ng paghahanda para sa gaganaping MELLPI Pro ng Municipal Nutrition Action Office ngayong darating na Abril, mabusising tinalakay ang mga sumusunod na requirements: Mga resulta ng OPT, BNAP, at BNSAP; Documentation ng mga programa at proyekto para sa taong 2025; Listahan ng Breastfeeding Support Group ng bawat barangay; Report ng nakalipas na Nutrition Month Celebration.
Pinaalalahanan naman ni Municipal Nutrition Program Coordinator Arlene Palabrica ang mga BNS na gawing prayoridad ang maayos na documentation dahil taon-taon ang pagsasagawa ng MELLPI Pro sa bawat barangay.
Bukod sa monitoring, binigyang-diin din ang pagpapatuloy ng mga educational programs gaya ng Mother Class para sa mga buntis at ang Infant and Young Children Feeding. Layunin ng mga programang ito na ituro ang tamang nutrisyon para sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 2 taon, gayundin para sa mga nanay na nagpapasuso.
#RK107FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.