Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐’๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐ƒ๐Ž๐‡ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐ˆ๐•-๐€ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐„๐•๐€๐‹๐”๐€๐“๐ˆ๐Ž๐


๐ƒ๐„๐๐“๐€๐‹ ๐’๐„๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐’๐”๐Œ๐€๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐’๐€ ๐ƒ๐Ž๐‡ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐Ž๐ ๐ˆ๐•-๐€ ๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐„๐•๐€๐‹๐”๐€๐“๐ˆ๐Ž๐

Sumailalim sa isinagawang monitoring at evaluation ang Dental Section ng Office on Health Services ng lokal na pamahalaan ng Sariaya, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) Region IV-A, upang masuri ang patuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa bibig at ngipin.

Isinagawa ang aktibidad nitong Lunes, Marso 23, sa conference room ng Rural Health Unit kung saan inilahad ng mga opisyal ng Dental Section ang kanilang mga programa at proyekto para sa taong 2025. Pinangunahan nina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist III; Dr. Simeon Alcantara, Municipal Dentist II; at Dr. Alexis Espinosa, DOH Dentist, ang presentasyon na naglalayong ipakita ang lawak at pagiging epektibo ng mga serbisyong dental para sa mamamayan ng bayan.

Samantala, pinamunuan ni Dr. Jeffrey Z. Piรฑon, Regional Oral Health Program Outcome Manager mula sa DOH Center for Health Development CALABARZON, kasama sina Dr. Airene D. Ugto at Dr. Helen Grace C. Pilon, ang monitoring team na nagsagawa ng masusing pagsusuri.

Layunin ng naturang monitoring na matiyak na maayos na naipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang mga itinakdang pamantayan at patakaran sa pagbibigay ng serbisyong medikal, partikular sa larangan ng oral health, para sa kapakanan ng mamamayan.

Kaugnay nito, patuloy rin na sinusuportahan ng Punong Bayan Mayor Marivic T. Gayeta katuwang ang Sannguniang Bayan kasama si Vice Mayor Arlene M. Genove at bumubuo ng konseho nito ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng Sariaya.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.