Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜ ๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐Š๐–๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐‹๐Ž๐๐†; ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹, ๐๐€๐‡๐€๐‹๐€๐‹


๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜ ๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐Š๐–๐€๐‘๐“๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐‹๐Ž๐๐†; ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐Ž๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‹, ๐๐€๐‡๐€๐‹๐€๐‹

Nagsagawa ng kanilang unang quarterly meeting ngayong taon ang Community Radio Council (CRC) ng Sariaya, kung saan pormal na nakilala at nahalal ang mga bagong opisyal ng konseho. Idinaos ang nasabing pulong sa Conference Room B, ikatlong palapag ng Sariaya New Municipal Hall.

Tinalakay sa pagpupulong ang muling reorganisasyon ng konseho upang higit pang mapalakas ang pagpapalaganap ng mga programa at aktibidad hinggil sa nutrisyon at kalusugan, gayundin ang promosyon ng radyo sa 43 barangay ng bayan. Isinagawa rin ang halalan upang matukoy ang mga bagong mamumuno sa CRC.

Sa isinagawang reorganisasyon, nahalal bilang bagong Chairperson si Municipal Health Officer I Dr. Omar N. Ilagan, habang nanatili bilang Vice Chairperson si Municipal Administrator Randy L. Tronila. Itinalaga naman bilang Secretary si SK Chairperson ng Barangay Pili na si Isabella Sydney R. Bagting; bilang Treasurer si BHW President Delia Montaรฑez; at bilang Public Relations Officer naman si Public Information Officer Romualdo Nonato L. Nantes.

Samantala, nahalal bilang mga pinuno ng komite sina Pastor Gerry Veleรฑa para sa Programming; STCAO Designate at EA III Dr. Ruben V. de Gracia para sa Promotions; HRMO V at MNAO Reymundo D. Razon para sa Resource Generation; at BNS President Romarica Beltran para sa Community Service.

Ayon kay Dr. Ilagan, inaasahan ang mas pinaigting na paghahatid ng impormasyon sa publiko sa pamamagitan ng regular na radio guesting at panayam sa Radyo Kaisahan 107.7 FM, upang maipabatid sa mamamayan ang mahahalagang usapin sa kalusugan at nutrisyon.

Sa mensahe naman ni Mayor Marivic T. Gayeta na ipinaabot ni Municipal Administrator Tronila, tiniyak ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng istasyon at ng CRC. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng sama-samang paglilingkod upang maihatid ang tama at kapaki-pakinabang na impormasyon sa publiko.

Nangako naman ang mga miyembro ng CRC na aktibong gagampanan ang kanilang mga tungkulin at makipag-ugnayan sa Radyo Kaisahan 107.7 FM upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng makabuluhang impormasyon sa mga Sariayahin.

Bukod sa halalan, tinalakay rin sa pulong ang mga planong programa at aktibidad para sa taong 2026, kabilang ang mga konkretong hakbang upang maisakatuparan ang mga iminungkahing proyekto.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor tulad ng lokal na pamahalaan, edukasyon, kabataan, kalusugan at nutrisyon, uniformed personnel, at mga kawani ng Radyo Kaisahan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.