Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

DENTAL MISSION AND ORAL HEALTH EDUCATION UPDATES


DENTAL MISSION AND ORAL HEALTH EDUCATION UPDATES

Sa pagtatapos ng buwan ngayong Abril 2026, bumaba ang Rural Health Unit - Dental Health Section sa Barangay Antipolo para maghatid ng libreng oral health services sa mga Senior Citizens at Person's with Disability (PWD).

Handog ng kanilang section ang Oral Examination, Topical Fluoride Application, at Oral Prophylaxis o ang masusing paglilinis ng ngipin sa pangunguna ni Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist.

Hangad ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta na patuloy na masigurong naipaaabot ang serbisyong medikal sa iba't ibang barangay sa bayan at malalayong lugar sa munisipalidad.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.