Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

PUROKALUSUGAN SA BARANGAY ANTIPOLO UPDATES


PUROKALUSUGAN SA BARANGAY ANTIPOLO UPDATES

Sa layuning mas mailapit ang serbisyo sa mga malalayong purok, hindi lamang para sa lagnat o ubo, kundi pati na rin sa kalusugan ng bibig at ngipin, personal na tinungo ng Rural Health Unit - Dental Health Section ang Barangay Antipolo para sa programang PuroKalusugan ng Department of Health (DOH) na suportado ng lokal na pamahalaan ng Sariaya sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta.

Dito sinusuri ang kondisyon ng mga ngipin ng mga mamamayan sa lugar upang mabigyan ng libreng konsulta at mabigyan ng schedule para naman sa Oral Prophylaxis o ang masusing paglilinis, kasama ang Topical Fluoride Application. Matapos ito, dito rin binibigyan ng pagkakataon ang mga dumaan sa naturang proseso na mai-schedule sa pasilidad ng Rural Health Unit para sa libreng bunot ng ngipin.

Pinangunahan ni Dr. Alexis R. Espinosa, DOH Dentist, kasama sina Dr. Irma V. Cadiz, Municipal Dentist at Dental Staff ng kanilang section ang naturang gawain sa Barangay Antipolo.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.