Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜, ๐๐ˆ๐๐€๐๐†๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐


๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐‘ ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜, ๐๐ˆ๐๐€๐๐†๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐

Pinangunahan ng Office of the Sangguniang Bayan ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong Lunes, kasabay ng pagtatapos ng huling Linggo ng buwan ng Abril. Sa nasabing seremonya, ibinahagi ni Vice Mayor Arlene M. Genove ang mensaheng nakatuon sa kahalagahan ng consistency bilang itinalagang values and word for the week.

Binigyang-diin niya na ang consistency ay paggawa ng tama at makabuluhang gawain, kung saan ang tunay na kahusayan ay hindi nakikita sa isang beses na pagsisikap kundi sa disiplina at patuloy na paggawa nito araw-araw. Aniya, ang paglilingkod ay hindi dapat maging ningas-kugon at hindi dapat nagtatapos sa panimulang sigasig lamang.

Ipinunto rin sa mensahe na ang tunay na sukatan ng dedikasyon ay nakikita sa kakayahang mapanatili ang kalidad ng trabaho sa araw-araw, na may kasamang puso, malasakit, at integridad. Dagdag pa niya na ang matibay na ugnayan sa kapwa ay napapalalim sa pamamagitan ng consistency sa simpleng pag-alala at pag-aaruga.

Sa aspeto ng trabaho at relasyon, binigyang-halaga ang pagiging maagap, tulad ng pagpasok sa tamang oras, agarang pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, maayos at magalang na pakikitungo sa mga kliyente, at tapat na pagtupad sa tungkulin bilang konkretong halimbawa ng pagiging consistent sa serbisyo publiko.

Dagdag pa rito, tinitiyak ng bise alkalde at ng Sangguniang Bayan ang kanilang patuloy na pagsusumikap na mapanatili ang consistency sa kanilang mandato, partikular sa pagbuo ng mga ordinansa at pag-apruba ng badyet na makatutulong sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Sa huli, hinikayat din niya ang lahat na iwasan ang ningas-kugon at sa halip ay panatilihin ang sigla, disiplina, at dedikasyon sa paglilingkod, kahit hindi perpekto, bastaโ€™t patuloy na nagsusumikap araw-araw para sa bayan. Kaugnay nito, nagtapos ang seremonya sa isang maikling palaro na binubuo ng tatlong katanungan na may kaakibat na premyo para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.