Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

SENIOR CITIZEN UPDATES


SENIOR CITIZEN UPDATES

Ginanap ngayong araw ng Biyernes, Abril 24, 2026, ang pagdiriwang ng ika-32 taon na anibersaryo ng Senior Citizens Federation Inc. sa Sariaya Sports Complex.
Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Marivic T. Gayeta, sa pamamagitan ni Dr. Ruben V. De Gracia Jr., Executive Assistant III, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga nakatatanda sa lipunan. Aniya ang mga elderlies ay itinuturing na tunay na haligi ng mamamayan ng Sariaya na nagsisilbing bukal ng karunungan na gabay ng susunod na henerasyon, karanasan na humubog sa kasaysayan ng bayan. Pagpapahalaga (Values) na patuloy na nagpapatatag sa pamilyang Sariayahin hanggang sa kasalukuyan.
Nagpaabot din ng pagbati ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga miyembro ng pederasyon para sa tatlong dekada ng pagkakaisa at serbisyo.
#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.