Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐•๐Ž๐“๐„๐‘โ€™๐’ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐๐ˆ๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž


๐•๐Ž๐“๐„๐‘โ€™๐’ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐€๐๐ˆ๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐’๐“๐Ž. ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Abril 24, 2026, ang isang satellite voterโ€™s registration sa Barangay Sto. Cristo bilang tugon sa hiling na gawing mas accessible ang proseso para sa mga residente.
Sa halip na dumayo pa sa mismong tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) Sariaya, ang mga kabataan at mamamayan ay direkta nang nakapagparehistro sa kanilang barangay hall.
Ang inisyatibong ito ay nagmula sa request ng Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Enrico Yuan Pasumbal, na layuning masiguro ang mataas na bilang ng mga rehistradong botante sa kanilang nasasakupan.
Naging posible ang nasabing aktibidad sa suporta ni Kapitan Oscar M. Sulit at sa pakikipagtulungan ng COMELEC Sariaya. Layon ng hakbang na ito na bawasan ang abala sa mga kabarangay at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng publiko sa darating na halalan.
#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.