Sa pagdiriwang ng Earth Day nitong April 22, nagsama-sama ang mga solo parent NG 43 barangay sa bahagi ng Barangay Castaรฑas para sa isang makabuluhang coastal clean-up activity.
Hindi lang ito simpleng paglilinis ng baybayin kundi isa itong patunay na kahit abala sa buhay at pagpapalaki ng pamilya ay handa pa ring maglaan ng oras ang mga solo parent para alagaan ang kalikasan. Personal ding nakiisa si Marivic T. Gayeta sa aktibidad bilang suporta sa ganitong uri ng inisyatiba.
Naging katuwang din sa programa ang ibaโt ibang tanggapan tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kung saan ay namahagi ang nasabing tanggapan ng IEC materials para sa mga dapat gawin tuwing may kalamidad. Kaisa din ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Sariaya Waterworks System, Office of the Municipal Mayor, Sangguniang Barangay ng Castaรฑas at Kabataan Para sa Kalikasan. Sa kanilang pagtutulungan, naging maayos at matagumpay ang isinagawang clean-up. Ayon sa mga kalahok, ang ganitong gawain ay hindi lang nakakatulong sa kalikasan, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa komunidad na maging responsable sa pagtatapon ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa huli, ipinapakita ng aktibidad na ito na ang simpleng pagtutulungan ay may malaking epekto para sa kinabukasan ng ating kalikasan. Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lokal ng Sariaya, sa pangunguna nina Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove at ng Sangguniang Bayan ang lahat na makiisa sa mga programang pangkalikasan hindi lang tuwing Earth Day kundi araw-araw.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.