Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‹๐†๐” ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐Ž๐‘๐Œ๐€๐’๐˜๐Ž๐


๐‹๐†๐” ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐–๐Ž๐‘๐Š๐’๐‡๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐Ž๐‘๐Œ๐€๐’๐˜๐Ž๐

Upang mapatibay ang paglaganap ng impormasyon sa lokal na pamahalaan ng Sariaya, isinagawa ng Sariaya Public Information Office (SPIO) ang isang araw na workshop para sa pamamahala ng mga social media postings at iba pang kaugnay na usapin nitong Martes, Abril 21, sa Balai Lingkuran Conference Room. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga opisyal na itinalagang information officers mula sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.

Sa ngalan ni Municipal Mayor Marivic T. Gayeta, nagbigay ng mensahe si EA II Victorio Armamento kung saan kaniyang binigyang-diin na ang social media ay isang mahalaga at makapangyarihang kagamitan pagdating sa paghahatid ng balita. Iginiit ni EA II Armamento ang kahalagahan ng pagkakaroon ng responsableng paglalabas ng impormasyon upang matiyak na ito ay mananatiling malinaw at makabuluhan para sa lahat ng mga mamamayan.

Naging mahalagang bahagi ng aktibidad ang pagbabahagi ng kaalaman ni Ms. Charmaine Odong-Pangan, Information Officer II mula sa Philippine Information Agency (PIA) CALABARZON, tungkol sa sining ng pagsulat ng balita at ang tamang konstruksyon nito. Sa kanyang talakayan, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng inverted pyramid structure kung saan ang impormasyon ay inilalahad mula sa pinakamahalaga patungo sa iba pang karagdagang detalye.

Ipinaliwanag din ni Ms. Odong-Pangan ang estratehikong paggamit ng 5 Wโ€™s na binubuo ng who, what, where, when, at why, kasama ang 1 H o how. Ayon sa kanya, ang mga elementong ito ang susi sa pagbuo ng isang epektibo at malakas na lead o panimulang talata na siyang humuhubog sa buong artikulo. Ang wastong paggamit ng mga tanong na ito ay tinitiyak na komprehensibo at direkta ang paghahatid ng balita sa mga mambabasa.

Bilang pagtugon sa hamon ng makabagong teknolohiya, tinalakay rin ang wastong pagsulat ng mga caption para sa mga larawang inilalathala sa ibaโ€™t ibang social media platforms. Layunin nito na bigyang-buhay at mas malalim na konteksto ang mga litrato sa pamamagitan ng mga salitang madaling maunawaan ng publiko. Sa pamamagitan nito, mas nagiging malinaw at makabuluhan ang impormasyong ipinaparating sa digital na espasyo.

Nagbahagi rin ng mahalagang kaalaman at impormasyon ang mga kawani mula sa Sariaya Public Information Office (SPIO) upang mas paigtingin ang epektibong paghahatid ng serbisyo sa mga social media platforms ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan. Sa aspeto ng visual communication, tinalakay ni Efraim Gerard Bagting ang mga epektibong paraan sa pagkuha ng litrato gamit lamang ang mobile photography, habang nagbahagi naman ng mga mahahalagang tips sa photo editing si Ms. Maryrose Hernandez. Samantala, binigyang-diin naman ni Ms. Giselle Ann De Villa ang mga dapat isaalang-alang at mga babala sa paglalathala ng mga post sa Facebook upang matiyak ang kalidad at kredibilidad ng mga impormasyon.

Kaugnay nito, ipinakita naman Mr. Igmedio Macasaet ang teknikal na pamamaraan sa pag-eedit ng video, kabilang ang pagtitimpla ng tunog, kulay, at emosyon o mood nito upang mas maging kawili-wili sa mga manonood. Sa gitna ng mga talakayang ito, inilahad ni SPIO Romualdo โ€˜Ronanโ€™ L. Nantes ang mandato ng kanilang tanggapan na magsilbing sandigan ng mapagkakatiwalaang impormasyon para sa mga mamamayan ng Sariaya sa pamamagitan ng maasahan at tapat na pagpapahayag.

Bahagi rin ng nasabing workshop ang aktwal na pagsasabuhay at pagsasaayos ng mga Facebook pages ng bawat tanggapan upang masiguro ang direktang pag-abot ng impormasyon tungkol sa kanilang mga serbisyo sa publiko. Ang inisyatibong ito ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta at sa suporta ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arlene Genove, ay isang malaking hakbang tungo sa pagkamit ng mas mabilis, totoo, at mapagkakatiwalaang impormasyon para sa buong bayan ng Sariaya.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.