Matagumpay na isinagawa ang presentasyon ng Climate and Disaster Risk Assessment o CDRA ngayong Martes, April 21, 2026, sa ABC Session Hall ng New Municipal Hall sa Sariaya, Quezon. Pinangunahan ni Mr. Christian John V. Evangelista, Chief ng Research and Planning Division mula sa Manila City DRRM Department, ang pagpapaliwanag sa resulta ng pag-aaral kasama sina Mr. Cezar O. Salvacion at Mr. Clark Jundele C. Mendoza. Layunin nitong tukuyin kung gaano kadalas at gaano katindi ang mga bantang panganib sa isang lugar mula sa bagyo, baha, at landslide, hanggang sa mga epekto ng climate change gaya ng matinding tagtuyot (El Niรฑo) o pagtaas ng antas ng dagat (sea level rise).
Nagpaabot naman ng pasasalamat si EnP Ronnie Lindog at binigyang-diin na ang lahat ng epektibong plano ay dapat magsimula sa masusing pagsusuri ng panganib. Ayon kay EnP Lindog, ang pagpaplano ay usapin ng buhay ng tao kayaโt napakahalagang matukoy ang mga delikadong lugar upang hindi malagay sa alanganin ang MGA mamamayan ng Sariaya. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay dapat tinitingnan base sa kung anong mahahalagang bagay ang nais i-preserve para sa kinabukasan ng bayan.
Ibinahagi rin ni EnP Sinforoso Martinez Jr. na sasailalim sa masusing rebisyon ang mga plano ng pamahalaan laban sa ibaโt ibang kalamidad. Gamit ang resulta ng CDRA bilang batayan, iaakma ang mga hakbang para sa storm surge, lindol, at iba pang hazard sa kasalukuyang pangangailangan ng bayan. Inaasahan din ang pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan upang pondohan at suportahan ang mga planong ito na magsisilbing kalasag ng mga lokal na imprastraktura at ng buong mamamayan.
Nagbabala rin si Konsehal Teodorico Dela Peรฑa na hindi ligtas ang Sariaya sa mga banta ng kalikasan tulad ng malalakas na lindol, landslide, at baha base sa kinalabasan ng pag-aaral. Sa kabila ng mga banta, naniwala ang konsehal na malalampasan ang mga pagsubok kung may pagtutulungan at pananalangin ang bawat isa. Naging kaisa naman sa pananaw na ito si ABC President Romulo P. Gayeta na aniya, ang mga datos na kanilang napakinggan ay magsisilbing sandigan ng gobyerno sa pagpaplano ng mga proyekto at sa pagpili ng mga lugar kung saan panatag at ligtas na makakapamuhay ang mga mamamayan sa Sariaya.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.