Umarangkada nitong Abril 20 ang ikalawang taon ng Usapang 2Ps o Usapang Pasahod at Productivity sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center, Barangay Isabang Tayabas City. Ang naturang training, na may temang Service Quality cum Wages and Incentives Training, ay inorganisa ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IV-A CALABARZON katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) โ Quezon.
Sa panayam ni TitSer Jong ng Radyo Kaisahan kay Mr. Gener C. Rivera, Information Technology Officer I at Head Trainer for Productivity, binigyang-diin niya na ang sentro ng talakayan ay ang pagsunod sa itinakdang wage adjustment noong Abril 1. Ayon kay G. Rivera, tinitiyak ng programa na ang mga negosyante at mamumuhunan sa lalawigan ay nakakasunod sa mga panuntunang inilabas ng RTWPB CALABARZON pagdating sa tamang pasahod sa kasalukuyan.
Bukod sa usapin ng sahod, ipinaliwanag din ni G. Rivera na crucial ang bahagi ng productivity kung saan itinuturo sa mga kalahok ang pagbalanse ng quantity at quality ng serbisyo. Layunin nitong masiguro na hindi lamang mapapataas ang antas ng kasiyahan ng mga mamimili o customer satisfaction, kundi makatutulong din ito upang sa huli ay mas lumaki ang kita o profit ng mga lokal na negosyante sa Quezon.
Sa pambungad na mensahe ni DTI Quezon Provincial Director Julieta L. Tadiosa, binigyang-diin ang kahalagahan ng pag-alalay sa mga negosyo para sa mas maayos na operasyon. Ibinahagi naman ni Business Development Division Chief Anna Marie V. Quincina ang ibaโt ibang programa ng DTI na layong magbigay ng teknikal na suporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa rehiyon.
Naging sentro rin ng talakayan sa umaga ang pagbuo ng "customer advocacy" sa pamamagitan ng mahusay na serbisyo. Sa hapon, sumailalim ang mga kalahok sa pagsasanay tungkol sa ISTIV values at pagpapatupad ng tamang sistema ng pasahod sa pangunguna ni Mr. Edgardo A. Avila Jr. ng RTWPB IV-A. Tinalakay ni G. Avila ang mga productivity-based incentive schemes na aniya ay malaki ang ambag sa pagpapataas ng morale ng mga manggagawa at paglago ng mga establisyimento.
Nagtapos ang aktibidad sa isang hands-on workshop kung saan ang mga kinatawan ng iba't ibang kumpanya ay mismong bumuo ng kanilang sariling incentive programs. Bahagi ng hakbang na ito na patuloy na i-kampanya ng pamahalaan na isulong ang responsableng pagnenegosyo at patas na kompensasyon para sa mga manggagawang Pilipino sa rehiyon.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.