Muling binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina sa isinagawang regular na flag raising ceremony sa Sariaya New Municipal Hall nitong Lunes, ika-20 ng Abril. Ang aktibidad ay pinangunahan ng tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO kung saan ibinahagi ang salitang discipline bilang values of the week.
Ipinaliwanag ni For. John Carlo Manalo, MENRO I, na ang tunay na kahulugan ng disiplina ay ang patuloy na pagsunod sa mga tuntunin at pagtupad sa mga responsibilidad sa lahat ng pagkakataon, may nakatingin man o wala.
Ayon pa kay For. Manalo, ang disiplina ang nagsisilbing lakas ng lokal na pamahalaan ng Sariaya upang maging proactive, responsive, at efficient sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Binigyang-diin niya na ito ang pundasyon para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.