Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

KABATAAN AT OPISYAL., NAGKAISA SA CLEAN-UP DRIVE SA POBLACION 4


KABATAAN AT OPISYAL., NAGKAISA SA CLEAN-UP DRIVE SA POBLACION 4

Nagkaisa ang mga opisyal at residente ng Barangay Poblacion 4 sa isang clean-up drive na ginanap ngayong araw (April 18) na pinangunahan ni Barangay Chairman Norbel Sotto kasama ang Sangguniang Barangay at sinuportahan naman ng Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairperson Charlene Catapang-Obnasca.

Nakilahok din sa aktibidad ang grupong Kabataan Para sa Kalikasan, ilang kawani ng Radyo Kaisahan kung saan matatagpuan sa nasabing barangay ang himpilan gayundin ang Pandayan Workshop na kung saan sama-sama nilang nilinis ang ibaโ€™t ibang bahagi ng barangay kasama ang ilang bahagi ng Maharlika Highway.

Bukod sa layuning mapanatiling malinis ang kanilang lugar, naging pagkakataon din ito para sa mga kalahok na makapag-ehersisyo at maging aktibo na isang simpleng paraan para alagaan ang kalusugan habang tumutulong sa komunidad.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Sariaya sa pangunguna nina Mayor Marivic T. Gayeta at Vice Mayor Arlene M. Genove, pati na rin ang Sangguniang Bayan, sa patuloy na pagsuporta sa mga ganitong gawain na nakakatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.