Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

PAGTATAAS NG WATAWAT AT PAGKILALA SA MGA STAKEHOLDERS PINANGUNAHAN NG SARIAYA MPS


PAGTATAAS NG WATAWAT AT PAGKILALA SA MGA STAKEHOLDERS PINANGUNAHAN NG SARIAYA MPS

Muling nagtipon ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Sariaya ngayong araw, April 13, para sa isinagawang regular na flag raising ceremony na pinangunahan ng Sariaya Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief of Police PLTCOL Marlon M. Manalo.

Sa naging mensahe ni PLTCOL Manalo, binigyang-diin niya na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng gulo o pananatili ng tahimik na kalooban kundi ito ay isang aspeto na dapat pinaghihirapan, pinagbubuklod, at pinoprotektahan sa aktwal na buhay. Ayon sa opisyal, ang kapayapaan ay hindi isang abstraktong pangarap kundi isang pangako na dapat pinagsasaluhan ng lahat.

Ipinaliwanag din ng hepe ang mandato ng Philippine National Police na maglingkod at protektahan ang publiko kung saan ang kapulisan ay katuwang sa pagbuo ng ligtas na pamayanan at hindi lamang nakatuon sa paghuli ng mga kriminal. Naniniwala ang hanay ng kapulisan na ang kapayapaan ay nagsisimula sa tiwala ng mga mamamayan na lalapit sa kanilang tanggapan nang walang pangamba at may kasiguraduhan na ang bawat ulat ay aaksiyunan nang mabilis at makatarungan.

Dahil bawat purok at barangay ay may natatanging hinaing, nanindigan ang PNP na tungkulin nilang makinig sa mga mungkahi at pangamba ng publiko. Sa pamamagitan ng dialogue at partnership, nagkakaroon ng tinig ang bawat sektor at nawawalan ng puwang ang anumang elemento ng kaguluhan.

Hinimok din ni PLTCOL Manalo ang komunidad na huwag hintayin na mawala ang katahimikan bago kumilos at sa halip ay patatagin ang komunikasyon upang ang bawat pamilya ay maging katuwang na tagapagtanggol ng kaayusan.

Matapos ang seremonya, pinarangalan ng Sariaya MPS ang ibaโ€™t ibang stakeholders na naging katuwang nila sa pagpapanatili ng seguridad sa bayan. Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala si Mayor Marivic T. Gayeta dahil sa kanyang hindi matatawarang commitment at suporta sa mga aktibidad at operasyon ng istasyon.

Ginawaran din ng parangal ang Kabalikat Civicom Sariaya Chapter para sa kanilang mahalagang papel sa matagumpay na SUMVAC 2026 at sa pagbibigay ng komunikasyon gamit ang based radio at antenna. Kinilala rin si G. Rafael N. Tantuco, Presidente ng Gem Nova International Cooperation, para sa donasyong lupa at pag-aasikaso sa titulo para sa PNP.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ang Sariaya Traffic Management Group sa kanilang mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko at pagtiyak sa kaligtasan ng mga motorista at pedestrian noong Oplan Summer Vacation 2026. Kasabay nito, pinarangalan din si G. Ryan P. Panganiban ng RPP Readymix Concrete Inc. dahil sa pagbibigay ng tulong sa pagsesemento ng paligid ng police station grounds.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.