Nagkaroon ng isang pagpupulong ang ilang mga kabataan kasama si LYDO- Designate Reniel Martizana kung saan ibinahagi ng Philippine Red Cross Youth (PRCY)โ Sariaya Council ang kanilang mga nagawa mula nang mabuo ang kanilang grupo.
Ipinakita ng PRCY ang kanilang mga naging proyekto at aktibidad na nakatuon sa pagtulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan at komunidad. Bukod dito, inilatag rin nila ang mga susunod pa nilang plano at programa na inaasahang mas makakatulong sa bayan ng Sariaya.
Ipinakilala rin ang isang bagong organisasyon na Kalikasan Youth Movement - Sariaya kung saan nakatuon din sila sa pangangalaga sa kalikasan at may mga aktibidad ding inilaan para hikayatin ang kabataan na maging mas responsable sa kapaligiran.
Ibinahagi rin ng parehong organisasyon ang kanilang mga nakikitang problema o concern na kinakaharap ng mga kabataan sa Sariaya. Layunin nitong mabigyan ng pansin at aksyon ang mga isyung ito sa tulong ng lokal na pamahalaan.
Sa kabuuan, ipinakita ng pagpupulong na aktibo at handang makiisa ang mga kabataan ng Sariaya para sa mas maayos na komunidad at mas ligtas na kinabukasan kaisa ng suporta ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove kasama ang Sangguniang Bayan ng Sariaya.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.