Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

ENTREP-ESKWELA NG BANGKO KABAYAN, KATUWANG ANG LGU SARIAYA AT DTI QUEZON NEGOSYO CENTER-SARIAYA, MATAGUMPAY NA NAILUNSAD


ENTREP-ESKWELA NG BANGKO KABAYAN, KATUWANG ANG LGU SARIAYA AT DTI QUEZON NEGOSYO CENTER-SARIAYA, MATAGUMPAY NA NAILUNSAD

Bitbit ang layuning mapalakas ang sektor ng komersyo, inilunsad ng Bangko Kabayan Inc., katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Sariaya at Department of Trade and Industry (DTI) โ€“ Quezon sa pamamagitan ng Negosyo Center-Sariaya, ang comprehensive entrepreneurship course na Entrep-Eskwela bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility sa bayan.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na nagnanais na mas mapalago pa ang kanilang mga operasyon at mas mapabuti ang takbo ng kanilang mga negosyo.

Nakasentro ang kurikulum ng programa sa tatlong mahahalagang aspeto ng pagnenegosyo kabilang ang pagkilala sa sariling kakayahan bilang entrepreneur, ang teknikal na aspeto ng pagpapatakbo ng negosyo, at ang malalim na pag-unawa sa business environment.

Isinagawa ang serye ng mga lecture at workshop mula April 6 hanggang April 8 sa ikatlong palapag ng Municipal Building ng Sariaya sa Barangay Sampaloc 2.

Sa pagtatapos ng tatlong araw na pagsasanay, nakatakdang ganapin ngayong hapon ang graduation ceremony para sa mga kalahok.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.