Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

GOOD FRIDAY NEWS UPDATE


GOOD FRIDAY NEWS UPDATE

Isinagawa nitong Biyernes Santo (April 3) ang prusisyon ng mga santo na nagsimula sa bahagi ng San Francisco de Assisi Parish Church na umikot sa ilang bahagi ng Poblacion ng nasabing bayan.

Tampok sa nasabing prusisyon ang mga andas na may mga imahen ng mga santo at ang Sto. Entierro (o ang banal na libing ni Kristo), na karaniwang dinadala ng mga deboto. Ang mga andas ay pinalamutian ng makukulay na bulaklak at mga antigong dekorasyon, at ang mga deboto ay madalas na nag-aabot ng mga bulaklak mula sa mga andas bilang bahagi ng kanilang debosyon.

Nabanggit din ng nasabing simbahan na ang ikot ng prusisyon kanina ay magiging ikot din ng San Isidro de Labrador sa darating na Agawan Festival sa susunod na buwan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.