Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ๐€๐‹๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐‹๐ˆ๐๐€, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐”๐๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ ๐๐† ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹


๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ๐€๐‹๐€๐’๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐‹๐ˆ๐๐€, ๐๐ˆ๐๐ˆ๐†๐˜๐€๐๐†-๐ƒ๐ˆ๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐”๐๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜ ๐๐† ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐๐‘๐ˆ๐‹

Pinangunahan ng Bids and Awards Committee o BAC ang kauna-unahang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas para sa buwan ng Abril, bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng serbisyo-publiko ng lokal na pamahalaan ng Sariaya.

Sa gitna ng seremonya, ipinakilala ni BAC Chairman Erick Lorena ang Open-mindedness bilang Word of the Week. Ipinaliwanag niya na ang pagiging bukas ang isipan sa mga bagong ideya at pananaw ng iba nang walang agarang paghuhusga ay mahalagang sangkap sa pagpapanatili ng pagkakaisa sa loob ng trabaho. Aniya, ang pakikinig bago magbigay ng reaksyon ay gabay tungo sa mas maayos at nagkakaisang pamayanan.

Sa pananalita ni Mayor Marivic T. Gayeta, naging sentro ng kanyang mensahe ang matatag na disiplina para sa lahat ng kawani ng pamahalaan. Binigyang-diin ng alkalde na ang paglilingkod sa bayan ay hindi lamang isang trabaho kundi isang panata na dapat gampanan nang may integridad. Mariin na pinaalalahanan ng Punong Bayan ang mga empleyado, regular man o Job Order, na iwasan ang kapabayaan at panatilihin ang maagang pagpasok bilang ehemplo ng dedikasyon. Dagdag pa ng alkalde, ang oras sa opisina ay dapat ilaan sa pagtatrabaho at hindi sa mga personal na lakad dahil ang kanilang sahod ay nagmumula sa buwis ng taumbayan. Hinikayat din niya ang lahat na laging ngumiti at magbigay ng maayos na serbisyo sa mga kliyenteng lumalapit sa kanilang mga tanggapan.

Kaugnay nito, hiningi rin ni Mayor Gayeta ang unawa ng mga mamamayan hinggil sa nararanasang kakulangan sa tubig ngayong tag-init. Inilahad niya ang kasalukuyang sitwasyon ng apat na malalaking deep well sa Malabunga, Mamala 2, Poblacion 1, at Sampaloc 2 na pawang may malalakas na makina ngunit hirap pa ring tapatan ang pangangailangan ng bayan dahil sa pagdoble ng populasyon ng Sariaya mula sa 50,000 na umabot na sa 110,000 na residente. Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagtatayo ng ikalimang deep well sa bahagi ng palengke at ang personal na pag-inspeksyon ng alkalde sa mga pasilidad upang makahanap ng solusyon para sa 24-oras na suplay ng tubig.

Sa pagtatapos ng programa, masaya namang ibinalita ni Mr. Reymundo D. Razon, HRMO - V ang mga bagong karangalang natanggap ng bayan. Kinilala ang Local Civil Registry Office sa pamumuno ni Mr. Roldan B. Luna bilang 3rd Place Outstanding LCR sa Quezon at 2nd Place sa buong CALABARZON para sa Large Category. Hindi rin nagpahuli ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa ilalim ni EnP Sinforoso Martinez Jr. na kinilala bilang Regional Awardee para sa kanilang kahandaan sa mga hamon ng sakuna. Bahagi ang mga parangal na ito sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kawani ng Sariaya sa kani-kanilang mga larangan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.