Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐๐€๐†๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐’๐„๐Œ๐€๐๐€ ๐’๐€๐๐“๐€ 2026, ๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐’๐€ ๐๐† ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐


๐๐€๐†๐‡๐€๐‡๐€๐๐ƒ๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐’๐„๐Œ๐€๐๐€ ๐’๐€๐๐“๐€ 2026, ๐ˆ๐Š๐ˆ๐๐€๐’๐€ ๐๐† ๐‹๐Ž๐Š๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐

Bilang paghahanda sa Semana Santa 2026, isinagawa ngayong Martes, Marso 31 ang Incident Action Plan para sa Summer Vacation 2026 o mas kilala bilang Operation SUMVAC 2026 sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Mayorโ€™s Office, Conference Room sa Sariaya New Municipal Hall.

Ibinahagi ni Incident Team Leader Rey Baliber ang mga nakahandang plano para sa ligtas operasyon, at kaligtasan ng mga residente, turista at bisita na dadagsa sa Sariaya. Ayon kay Baliber, magkakaroon ng 10 staging areas ang tanggapan ng MDRRMO na matatagpuan sa Harap ng simbahan; Bypass; Sambat Lutucan; Guisguis Talon; Concepcion Pinagbakuran; Sampaloc Bogon; Mamala 1; Fish Landing; Guisguis Talon Pier; at Talaan to Bantilan (Public Resort).

Makakasama rin ang mga uniformed personnel ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard, ganun rin ang ilang mga samahan gaya ng KABALIKAT, REACT, Philippine Red Cross, Bantay Dagat, at iba pa para sa pagsasagawa ng SUMVAC.

Ang ibang tanggapan, gaya ng Office on Health Services ay magkakaroon rin ng deployed team na binubuo ng mga RHU Nurses, Midwife at mga DOH Nurses sa ibaโ€™t ibang mga staging areas. Binanggit rin ni PLTCOL Marlon Manalo na ang Sariaya PNP ay magkakaroon ng 65 na personnel na ikakalat sa nasabing operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, ganun na rin ang daloy ng trapiko. Iginiit rin ni Manalo na ang kooperasyon ng bawat isa ang kailangan para sa isang mapayapang Semana Santa ngayong taon.

Ibinilin rin nina Manalo at FSINP Edwin Emradura na iwasan ang basta-bastang pag-iwan sa mga tahanan at ari-arian upang maiwasang manakawan at masunugan.

Habang ang ibang mga samahan at organisasyon naman ay magkakaron rin ng sarili nilang deployment ng mga tauhan para sa isang ligtas at maayos na pagsasagawa ng Semana Santa 2026.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.