Masigla ngunit puno ng pagninilay ang naging huling Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Marso sa pangunguna ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC). Sinimulan ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-awit ng "Pupurihin Ka sa Awit" bilang paraan ng pananalangin.
Naging tampok sa programa ang pagtalakay sa salitang PIETY o kabanalan sa pamamagitan ng isang pahulaan nina EnP Ronnie Lindog, Mr. Erwin Lindog, at Engr. Jayson Acuzar. Ayon kay EnP Ronnie Lindog, ang tunay na kabanalan ay ang paggawa ng mga bagay na ikapupuri ng Diyos at hindi para sa sariling interes.
Ipinaliwanag niya na ang bawat dokumentong nilalagdaan, bawat taong tinutulungan, at bawat problemang nilulutas ng isang kawani ng gobyerno ay isang anyo ng pagsamba kung ito ay ginagawa nang may integridad, malasakit, at pagpapakumbaba.
Naghatid din ng saya ang kanilang tanggapan sa pamamagitan ng mga inihandang sayaw at palaro sa pangunguna ng game master na si Ms. Petchie Umali, kung saan nagkaroon ng palaro na huhulaan ang song title at singer artist nito at pagkatapos ay kakantahin.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Admin Randy sa lahat ng mga kababaihan sa LGU, partikular na sa mga babaeng department heads. Kasabay ng pormal niyang pag-imbita sa publiko na saksihan ang Senakulo 2026 sa darating na Miyerkules Santo, April 1, kung saan makakasama sa mga gaganap sa Dulaang Lansangan ang ilang mga empleyado ng pamahalaang bayan.
Sa kabila ng mga anunsyong ito, agad na isinagawa ang isang online emergency meeting matapos ang seremonya upang tugunan ang ulat ng sunog na naganap sa bahagi ng Bundok Banahaw na sakop ng bayan ng Dolores, Quezon.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.