Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐†๐‘๐„๐„๐ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐‹๐„๐€๐ ๐”๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„, ๐’๐€๐Œ๐€ ๐’๐€๐Œ๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐”๐๐†๐€๐ ๐๐† ๐Š๐Ž๐Œ๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐–


๐†๐‘๐„๐„๐ ๐€๐๐ƒ ๐‚๐‹๐„๐€๐ ๐”๐ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„, ๐’๐€๐Œ๐€ ๐’๐€๐Œ๐€๐๐† ๐๐ˆ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐”๐๐†๐€๐ ๐๐† ๐Š๐Ž๐Œ๐”๐๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐–

Nagkaisa ang iba't ibang grupo ng kabataan at pamunuan ng barangay sa isang makabuluhang Green and Clean-Up Drive na isinagawa ngayong araw ng palaspas (March 29) sa kahabaan ng Maharlika Highway partikular sa bahaging Purok 2, Barangay Sto. Cristo.

Sa simpleng paraan pero may malaking epekto, sama-samang naglinis ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng nasabing barangay, Bagong Kabataan ng Sto. Cristo o BAKAS at Kabataan Para sa Kalikasan o KPK. Bitbit ang malasakit sa kalikasan, kanilang pinulot ang mga basura at inayos ang paligid upang maging mas maaliwalas at ligtas para sa lahat.

Ayon sa mga kalahok, layunin ng aktibidad na hindi lang linisin ang kapaligiran kundi hikayatin din ang bawat mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura. Bahagi rin ito ng pakikiisa sa Earth Hour na ginanap kahapon kung saan ito ay isang pandagdigang paalala na mahalaga ang bawat maliit na aksyon para sa kalikasan.

Samantala, bukas naman ang Kabataan Para sa Kalikasan sa pakikipagtulungan sa iba pang kabataan sa 43 barangay gayundin sa maging gustong maging miyembro ng nasabing organisasyon. Target nilang palawakin pa ang ganitong gawain upang mapanatili ang kalinisan hindi lang sa komunidad kundi pati sa kabundukan, kapatagan, at karagatan. Panawagan din ng BAKAS sa lahat ng gustong makilahok na mga kabataang naninirahan sa Sto. Cristo na ipagbigay alam ito sa kanila.

Sa huli, ipinakita ng aktibidad na kapag nagtutulungan ang komunidad, kayang makamit ang isang mas malinis, mas maayos at mas luntiang kapaligiran na isa sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene Genove at ng Sangguniang Bayan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.