Muling pinatunayan ng isang Ginang mula sa Barangay Castaรฑas na ang pagiging ina ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga pangarap matapos hirangin bilang Fourth Runner-Up ng Huwarang Ginang 2026 si Michelle B. Simondac. Sa naging panayam sa programang โIbida mo sa Radyoโ ng Radyo Kaisahan 107.7 FM, ibinahagi ng 32-anyos na ginang ang kanyang inspirasyong kwento bilang isang masipag na saleslady sa isang malaking grocery store at mapagmahal na ina sa tatlong anak na lalaki. Ayon kay Simondac, malaki ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang bayan ng Sariaya dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga nanay na maging bahagi ng komunidad at magsilbing boses ng kababaihan ngayong Womenโs Month.
Sa kabila ng pagiging "nerbiyosa," hinarap ni Simondac ang hamon ng entablado upang malabanan ang kanyang takot sa pamamagitan ng pagsali sa mga aktibidad gaya ng Zumba at mga barangay pageant. Hindi rin niya inasahan na makakapasok siya sa Top 5 finalist ng Huwarang Ginang, ngunit lalong nabuhayan siya ng loob matapos makuha ang minor award na "Most Glamorous" at marinig ang hiyaw ng suporta mula sa kanyang mga kabarangay. Para sa kanya, ang pagiging isang huwarang ginang ay nagsisimula sa pagiging modelo sa loob ng sariling tahanan at aktibong pakikilahok sa mga programa ng barangay na nagsusulong sa karapatan ng mga babae.
Binigyang-diin din ni Simondac ang kanyang istilo ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. Bagama't pawang mga lalaki, tinuruan niya ang mga ito ng mga gawaing bahay at sinigurong lumalaking malusog sa pamamagitan ng tamang nutrisyon. Ibinahagi niya ang kanyang matagumpay na breastfeeding journey kung saan umabot ng dalawang taon ang pagsuso ng kanyang mga anak, gayundin ang kanyang diskarte sa pagkain kung saan hindi nawawala ang sinabawang gulay sa kanilang hapag-kainan. Sa huli, iniwan niya ang mensahe na ang kalinga ng isang ina ay ang pinakamahalagang pundasyon sa paglaki ng mga bata upang maging maayos at produktibong bahagi ng lipunan.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.