Binigyang-pugay ang tatag at ganda ng mga kababaihang Sariayahin sa pagtatampok kay Michelle V. Aguila, ang Third Runner-Up ng Huwarang Ginang 2026, sa programang โIbida mo sa Radyoโ kasama si Kuys Wacky. Ang 36-anyos na pambato ng Barangay Bignay 1, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Barangay Treasurer at dating Secretary, ay nagbahagi ng kanyang kwento mula sa paglilingkod sa baryo hanggang sa pagtuntong sa prestihiyosong entablado ng munisipyo. Ayon kay Aguila, bagama't noong high school pa ang kanyang huling karanasan sa pageant, naging matagumpay ang kanyang pagbabalik sa tulong ng disiplina sa pasarela at suporta ng kanyang kaibigang si โVanaโ at ng kanilang Kapitana.
Sa gitna ng kanyang mga tungkulin, naging tapat si Aguila sa kanyang pinagdaanang hamon, kabilang ang pakikipaglaban sa postpartum depression at pagbabago ng timbang. Payo niya sa mga kapwa ina, ang pagmamahal sa sarili ang susi upang mas lalong maibigay ang kalinga sa pamilya sa kabila ng mga mapanghusgang mata sa paligid. Dahil dito, isinusulong niya ang pagkakaroon ng safe space para sa mga kababaihan upang maprotektahan ang kanilang mental well-being habang hinaharap ang hirap ng pagbubuntis, pag-aalaga ng bata, at pagiging katuwang ng asawa.
Sa aspeto naman ng nutrisyon, ibinahagi ni Aguila ang kanyang dedikasyon sa breastfeeding kung saan sinikap niyang gatas ng ina ang maibigay sa kanyang tatlong anak sa kabila ng sakit at hirap na naranasan sa simula. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagdidisiplina sa pagkain ng mga bata, kung saan sinasanay niya ang mga ito sa pag-inom ng tubig at pag-iwas sa mga chips o stock na pagkain upang hindi mawalan ng gana sa mga meals.
Sa huli, tumatak ang kanyang mensahe sa Question and Answer portion na ang paggamit ng puso para sa ambisyon at pamilya ang nagpapatatag sa isang babae. Aniya, โHindi lamang tayo babae lamang, kundi babae tayoโbabaeng may boses, dignidad, karapatan, paninindigan, at lakas upang bumuo ng isang matatag at malakas na pamilya at kinabukasan.โ
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.