Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘๐‹๐˜ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐’๐“๐‚๐€๐‚ ๐€๐“ ๐’๐‡๐‡๐‚๐€๐‚, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€


๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘๐‹๐˜ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐’๐“๐‚๐€๐‚ ๐€๐“ ๐’๐‡๐‡๐‚๐€๐‚, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€

Nagtipon ang mga tagapagsulong ng turismo at sining sa bayan ng Sariaya para sa ginanap na First Joint Quarterly Meeting nitong Marso 25, 2026, sa Balay Lingkuran. Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng Sariaya Tourism Culture and the Arts Council (STCAC) at Sariaya Historical Heritage Culture and Arts Council (SHHCAC) na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang sektor, organisasyon, at mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Sa nasabing pagtitipon, binigyang-diin ni Chief Tourism Operations Officer Dr. Ruben V. de Gracia Jr. ang malaking responsibilidad ng bawat miyembro sa pagpapanatili ng sining at kasaysayan ng bayan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon. Ayon kay de Gracia Jr., ang pag-uugnay ng turismo at heritage ang magsisilbing susi sa pangmatagalang kaunlaran at pagpapatibay ng pagkakakilanlan ng mga Sarayahin.

Nagpaabot din ng kanilang suporta para sa maayos na pagpapatakbo ng mga programa sina Konsehal Ryan Decena, STCAC President Mitch Panganiban at SHHCAC Coordinator Danny De Luna.

Ibinahagi sa pulong ang mga matagumpay na aktibidad na naisagawa na sa unang bahagi ng taon gaya ng Kulturang Pamana ni Haring Ponse Free Art Workshop noong January 27, Basic Life Support Training noong February 11 at ang Valse De Sariaya Workshop noong February 28. Ang mga ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng munisipyo na itampok ang galing at kahandaan ng mga mamamayan sa iba't ibang larangan.

Inilatag din ang mga malalaking kaganapang dapat abangan ng mga turista at lokal na residente sa mga susunod na buwan. Kabilang dito ang ika-20 anibersaryo ng Senakulo 2026 sa darating na April 1, na tatampukan ng dulaang lansangan sa pitong stations at lalahukan ng 130 casts at 30 production staff. Kasunod nito ang pagdiriwang ng Agawan Festival mula May 11 hanggang 16, kung saan nakalinya ang mga aktibidad gaya ng Agritourism Booths, Valse de Sariaya Dance Competition, Araw ng Magsasaka at Mangingisda, Coronation ng Mister and Miss Teen Sariaya 2026 at iba pa.

Bukod sa mga lokal na kapistahan, tinalakay rin ang paghahanda ng Sariaya para sa pagsali sa ibaโ€™t ibang kompetisyon sa nalalapit na Niyogyugan Festival 2026. Ipinakilala rin sa pulong ang iba't ibang councils at associations na katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng turismo. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng bawat sektor, layon ng Sariaya na magkaroon ng malinaw na direksyon tungo sa isang mas masigla at maunlad na kinabukasan para sa sining at kultura ng bayan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.