Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐‹๐†๐” ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐…๐„๐’๐“


๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐๐€๐ˆ๐‡๐€๐, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€ ๐‹๐†๐” ๐’๐๐Ž๐‘๐“๐’ ๐…๐„๐’๐“

Masigla at puno ng saya ang naging selebrasyon ng National Womenโ€™s Month sa bayan ng Sariaya ngayong araw, March 25, matapos ilunsad ng Pamahalaang Bayan ang LGU Sports Fest na eksklusibo para sa kanilang mga empleyadong kababaihan.

Sa kaniyang mensahe, personal na nakiisa at nagbigay ng suporta si Mayor Marivic T. Gayeta. Binigyang-diin ng alkalde ang mahalagang papel ng mga babae sa lipunan at sa serbisyo publiko.

"Ang araw na ito ay inilaan natin para sa lahat ng kababaihan upang pagsamahin ang ating lakas. Hindi basta-basta ang mga babae; mas may kakayahan tayo," ani Mayor Gayeta habang hinihikayat ang lahat na ipamalas ang kanilang galing sa kompetisyon.

Naging sentro ng palakasan ang mainit na tapatan sa Basketball at Volleyball na nilahukan ng mga kawani mula sa ibaโ€™t ibang departamento. Hindi rin nagpahuli ang saya sa mga parlor games na sumubok sa pagkakaisa at diskarte ng mga kalahok, kabilang ang Balloon Relay at Hulahoop Relay, Paper Cup Relay (Pyramid), Maria Went to Town at Three-Legged Man.

Sorpresa namang kinilala ang mga natatanging lider sa loob ng munisipyo sa ginanap na Search for LGU Wonder Woman 2026. Tinanghal na panalo si Municipal Treasurer Lanie O. Mendoza, habang binigyang-pugay din ang iba pang mga department heads na nagpakitang-gilas sa naturang aktibidad.

Dumalo rin upang magpaabot ng suporta sina Municipal Administrator Randy L. Tronila, MSWDO Claire D. Obnial, at Sports Coordinator Ronnie L. Lindog na siyang nanguna sa panunumpa ng Oath of Sportsmanship.

Bahagi ng naturang aktibidad ang adbokasiya ng lokal na pamahalaan na itaguyod hindi lamang ang kalusugang pisikal at mental, kundi pati na rin ang pagkakaisa ng bawat kababaihang kawani na nagsisilbing pundasyon ng tapat at mahusay na serbisyo para sa mga mamamayan ng Sariaya.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.